Abante Tonite Interactive

Horoscope 12/01/19

279

Woody Allen
Kaarawan: Disyembre 1, 1935

May taglay na lakas na hindi pangkaraniwan. Sa likod nito ay ang kahinaan na hindi nakikita ng marami. Mabilis magbago ang kanyang isip na minsan ay nagdadala sa kanya ng mga malalaking problema

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – May magagawa ka para pag-ayusin ang dalawang tao na may alitan. Pareho silang malapit sa puso mo kaya hindi mo gusto ang nangyayari sa kanila ngayon. Malaki ang maitutulong mo para sa pagkakasundo nila. Lucky co­lor: Brown, lucky number: 25.

CAPRICORN (Disyembre 22-E­nero 19) – Malalagay ka lang sa alanganin kung ipipilit mo ang kagustuhan mo. Majority ang dapat na masunod sa isang pagpapasya. Wala kang magagawa kundi respetuhin anuman ang naging desisyon. Lucky color: Orange, lucky number: 7.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Ang pakikipagkompetensya mo sa iyong kapatid ay hindi magbubunga ng maganda. Magandang pagkakataon ang araw na ito para upuan ang mga hindi pagkakaunawaan. Lucky color: White, lucky number: 28.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Magkakatotoo ang kutob mo sa iyong karelasyon. Ngayon mo mapapatunayan na hindi pa lubos ang katapatan niya sa’yo. Malaki pa ang posibilidad na maaakit siya sa iba. Mag-ingat ka para hindi maloko. Lucky color: Beige, lucky number: 16.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Isang mabilisang pagpapasya ang gagawin mo ngayon. Ito ay sa pakiusap ng isang kamag-anak. Kailangan niya ang iyong tulong at hindi mo ito ipagkakait sa kanya. Kailangan mo lang maging handa sa posibleng resulta ng gagawin mong desisyon. Lucky color: Maroon, lucky number: 14.

Related Posts

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) - Hindi ito ang araw ng pagbaban­dying-bandying. Mauubusan ka ng oras kung dadaanin mo sa pagpapatumpik-tumpik ang iyong pagkilos. Kaila­ngan mong pasiglahin ang iyong katawan para sa produktibong araw. Lucky color: Blue, lucky number: 7.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) - Mapagkakamalan mong isang kaibigan ang isang tao na may lihim na inggit sa’yo. Ang pagiging malapit niya sa’yo ay may hindi magandang intensyon kaya kaila­ngan mong mag-ingat at maging alisto lalo na kung nasa paligid lang siya. Lucky color: White, lucky number: 55.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) - Makakaramdam ka ng pagtatampo sa isang taong malapit sa’yo dahil hindi niya mapagbibigyan ang pabor na hinihingi mo. Maiisip mong dumistansya muna sa kanya pansamantala pero hindi mo rin siya matitiis. Lucky color: Peach, lucky number: 18.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Wala sa bokabularyo mo ang magmukmok. Harapin ang problema. Isipin na hindi ito ibibigay sa iyo kung hindi mo kaya. Lucky color; White, lucky number: 4.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Mailap ngayon ang suwerte mo sa trabaho. Pero hindi ito dahilan para tumigil ka. Pwede kang magpahinga sa paghahanap nito pero hindi ka puwedeng sumuko. Lucky color: Yellow, lucky number: 52.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Magiging masaya ang pakikipag-bonding ngayon sa mga kaibigan. Minsanan lang ang inyong pagkikita kaya naman sa mga pagkakataon na nagkakasama-sama kayo ay walang pagsidlan ang saya na pakiramdam nyo ay mga teenagerspa lang kayo. Lucky color: Gray, lucky number: 13.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Hindi mo magugustuhan ang pagiging mailap sa’yo ng isang tao kaya sasad­yain mo na mapalapit sa kanya nang sa gayon ay malaman mo ang dahilan ng kanyang pagiging mailap. Ikagugulat mo ang tunay na dahilan nito. Lucky color: Red, lucky number: 40.