Abante Tonite Interactive

Horoscope 12/03/2019

324

Jessy Mendiola
Kaarawan:
Disyembre 3, 1992

Hindi siya ang klase ng tao na umaasa sa mga himala. Lahat ay pinagpa­paguran niya sa abot ng kanyang makakaya. Dahil ito sa kanyang mataas na prinsipyo at paniniwala sa taglay niyang ga­ling at talino.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Isang sitwasyon ang makakagulo sa iyong isip. Posibleng maging dahilan ito para kuwestyunin ang isang taong malapit sa iyo. Hindi ka magiging komportable sa sitwasyon pero mahirap itong iwasan. Lucky color: Blue, lucky nmber: 50.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Kailangan mo munang lumayo sa anumang pakikipagsosyalan ngayong araw. May mabigat na problemang kailangang harapin. Hindi akma na magsaya. Lucky color: Blue, lucky number: 30.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May isang importanteng bagay na nakakaligtaan. Posib­leng may kinalaman ito sa iyong pamilya. Bigyan sila ng atensyon ngayong weekend para sa mas masayang bonding moment. Lucky color: Pink, lucky number: 55.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Isang taong may mahalagang papel sa buhay mo ang dumidistansya. Posibleng meron lamang pinagdaraanan ang taong ito. Respetuhin ang kanyang kagustuhan at pagbigyan mo muna ang kanyang pananahimik. Lucky color: Silver, lucky number: 8.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Isang taong lagi mong nahihingan ng tulong ang biglang iiwas. ‘Wag na itong bigyan pa ng masamang kahulugan. Wala sa kanya ang kailangan mo, sa halip ay ta­nging sarili mo ang makakapagbigay nito sa iyo. Lucky color: Yellow, lucky number: 1.

Related Posts

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Mas magiging agresibo ka ngayon at sa mga susunod na araw. Iwasan lamang na masyadong magtaas ng boses. Hindi lahat ng mga tao ay makakaunawa sa iyong mga pinagdaraanan. Lucky color: Maroon, lucky number: 34.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Piliin lamang ang mga bagay na dapat nang itapon. Hindi lahat ng inaakala mong basura ay wala nang ha­laga. Kailangan mo lamang gumawa ng kinauukulang adjustment. Sinupin ang gamit na may halaga. Lucky color: Red, lucky number: 15.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Kung mas­yado kang nahihirapang abutin ang target mo, ikaw na mismo ang mag-adjust. Pag-aralan kung anong pagbabago ang puwede mong ipasok para mas maging madali ang iyong pagpupursige. Lucky color: Maroon, lucky number: 4.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) –Tila nalilihis ng direksyon ang isang pangyayari sa iyong buhay. Posibleng hindi ito talaga nakatakda para sa iyo. May pagkakataong kailangan mong maging praktikal at open minded. Lucky color: Blue, lucky number: 48.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Kailangan mo munang kontrolin ang paggastos lalo na sa mga bagay na maituturing na luho lamang. Posibleng malubog ka sa utang kung hindi ka magiging matalino sa paggastos. Ikaw rin ang magsisisi sa bandang huli. Lucky color: White, lucky number: 20.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Napapag-iwanan ka na ng ilang kaibigan kaya kaila­ngan mo nang mag-move on para makahabol. Huwag makuntento sa kung anong puwede na. Dagdagan ang effort at itaas pa ang iyong ambisyon sa buhay. Lucky color: Maroon, lucky number: 8.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Hindi masamang dumistansya muna sa mga pakikihalubilo sa mga tao ngayon at sa susunod na araw. Mas makakaiwas ka sa mga negatibong isyu kung solo ka muna. Lucky color: Violet, lucky number: 12.