Abante Tonite Interactive

Horoscope 12/04/2018

130

Ruru Madrid
(Kaarawan: Disyembre 4, 1997)

Hanap ng mga lala­king Sagittarius ang isang kapartner na bibigyan siya ng kalayaan. Mahirap silang maintindihan dahil sa kanilang ‘free-spiri­ted’ na attitude at pananaw sa buhay. Mahirap silang pakibagayan pero alam nila sa kanilang sarili na may darating na special someone para sa kanila.

 

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Magiging maayos ang iyong umaga lalo na aspeto ng romansa at love life. Huwag labanan ang atraksiyon sa isang espesyal na tao. Lalong titindi ito at hindi na maitatago. Ipadama ang iyong pagmamahal sa aksiyon at mga kulay. Lucky color: Red, lucky number: 12.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kompor­table ka na sa sitwasyon. Yakapin ang pagbabago. Sa umpisa lang mahihirapan pero kalaunan ay masasanay ka din. Lucky color:Gray, lucky number: 3.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Pagkakaisahan ng mga kasamahan. Huwag itong personalin. Kailangan ma-realize na konektado sa lahat ang iyong gagawin. I-share sa iba ang magandang karanasan sa buhay. Lucky color: Silver, lucky number: 1.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Maging inspirasyon sa iba. Hindi mo kailangang itago ang magandang ideya. Maa-attract sa isang tao na masarap kausap. May nakaantabay na pabuya sa magandang nagawa. Lucky color: Orange, lucky number: 49.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Huwag palampasin ang magandang alok. Magnining­ning ang mga mata sa isang potensiyal na love interest. Nasa iyong panig ang pag-ibig. Makisalamuha sa mga tao na gustong makasama. Lucky color: Blue, lucky number: 25.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Ma­ging responsable sa kilos at salita. Maraming mata ang nakatingin sa iyong direksyon. Hayaan na ang naudlot na plano. Hindi ito ang tamang oras para pag-usapan ang nangyari na. Lucky color: White, lucky number: 4.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) –La­labas ang creativity. Gawin ang lahat para matulungan ang isang tao na malapit sa iyong puso. Tanggalin ang duda sa sarili dahil tama ang iyong gagawin. Lucky color: Green, lucky number: 45.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – May dalawang tao na laging laman ng isip. Aralin mabuti ang damdamin sa isa’t isa. Alamin ang kanilang katangian at ito ang timbangin. Lucky color: White, lucky numbe: 5.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Nasa romantic mood. Masaya ang pa­kiramdam na parang ayaw mo nang matulog. I-enjoy ang buong araw na kapiling ang minamahal. Magyakapan o mamasyal sa maghapon. Lucky color: Violet, lucky number: 17.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Mag-enjoy sa bagong teritoryo. Huwag matakot na gawin ang nasa isip para makuha ang gusto. Hindi ka magtatagumpay kung mamamayani lagi ang takot. Lucky color: Yellow, lucky number: 9.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) –Ngayong magkakaalaman sa tunay na isyu sa loob ng relasyon. Mahirap itong tanggapin pero dapat na gawin. Mas mabuting manahimik muna ng ilang araw bago balikan ang naiwang usapan.Lucky color: Maroon, lucky number: 36.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May gumugulo sa isip. Isang bagong impulse o pakiramdam ang magdadala sa iyo sa ibang direksyon. Hindi mo malalaman ang mga posibilidad kung susubukan. May bagong kaganapan na hindi mo inaasahan na darating sa iyo. Lucky color: Red, lucky number: 23.