Abante Tonite Interactive

Horoscope 12/04/2019

314

Ruru Madrid
Kaarawan:
Disyembre 4, 1997

Kilala ang mga lala­king Sagittarius sa pagi­ging family man. Umiikot ang kanilang araw sa kanyang pamilya. Mas gusto nilang manatili sa bahay kasama ang mga mahal sa buhay kaysa lumabas kasama ng mga kaibigan. Sa pamilya siya kumukuha ng kanyang lakas kaya’t naman masaya ito kapag lagi sila magkakasama.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – Nakatutok ka ngayon sa iyong pinagkakakitaan, maaaring sa iyong negosyo. Pero hindi masamang bigyan din ng ilang oras ang pagrerelaks. May mga problemang hindi agad mareresolba kaya tumutok muna sa iba. Lucky co­lor: Vio­let, lucky number: 45

CAPRICORN (Dis­yembre 22-Enero 19) – Mas magaan ngayon ang iyong pakiramdam at ito’y dahil sa mas positibo mong pananaw. Anuman ang sabihin ng iba, hindi ka dapat paapekto. Tuloy-tuloy lang sa naumpisahang diskarte. Lucky color: Orange, lucky number: 16

AQUARIUS (Ene­ro 20-Pebrero 18) – Anumang isyung pampa­milya ay madali mo lamang mareresolba. Kung may na­ging samaan ng loob sa nagdaang mga araw, samantalahin ang araw na ito para tuluyan na itong mabura. Lucky color: Red, lucky number: 34.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Maaksyon ang araw na ito para sa iyo. Hindi masamang magpokus sa pupuntahan pero dapat mo pa ring i-enjoy ang mga nadaraanan. Lucky color: White, lucky number:16

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Malaking tulong ang maibibigay mo ngayon sa isang kaibigang nangangailangan. Maaring hindi pinansyal ito pero hi­git pa sa pera ang kapantay. Lucky color: Black, lucky number: 18.

Related Posts

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Ang sinasa­bi ng iyong mga kaibigan ay siya ring ibinubulong ng iyong puso. Bakit hindi pagbigyan ang sarili sa matagal mo nang gustong gawin? Hindi makabubuti kung lagi mo na lang titikisin ang iyong kaligaya­han. Lucky color: Violet, lucky number: 6.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Isang taong nakakataas ng posisyon ang magiging mas mabait sa iyo ngayon. Pagkakataon mo na ito para masabi ang mga ideyang matagal mo nang sinasarili. Dagdag kumpiyansa lamang ang kaila­ngan. Lucky color: Gold, lucky number: 27

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Ilang kaibigan ang matagal-tagal mo na ring hindi nabibigyan ng panahon. Inaakala ng iba na umiiwas ka kaya ngayon ang pagkakataon para bumawi. Lucky color: Silver, lucky number: 46

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Isang indibidwal ang madalas laman ng isip mo. Hindi siya ang taong tipikal mong nagugustuhan kaya kakaiba ang magnetong nararamdaman mo sa kanya. Ang tanong: Meron pa ba siyang puwang sa buhay mo? Lucky color: Pink, lucky number: 8.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Wala ka sa mood ngayon na humarap sa mga mabibigat na trabaho. Hindi masamang paminsan-minsan ay pagbigyan ang kagustuhan ng katawan na makapagpahinga. Relax pa more! Lucky: color: Maroon, lucky number: 8.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – May commitment ka man o wala pa, may isang indibidwal na ilalapit sa iyo ang pagkaka­taon. Nasa iyo ang kontrol kung pagbibigyan ito o pipiliin ang maagang pagdistansya. Lucky: color: Red, lucky number: 50.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Mahihiran kang itago ang iyong nararamdaman nga­yon. Wag nang magtangkang isikreto ito dahil kitang-kita sa iyong mukha kung ano ang nasa kalooban mo. Nega man ito o positibo, hindi ka makatatanggi. Lucky: color: Yellow, lucky number: 42.