Abante Tonite Interactive

Horoscope 12/05/2019

314

Donita Rose
Kaarawan: Disyembre 5, 1974

Energetic at puno ng positivity ang kanyang pananaw sa buhay. Marami ang nabibighani sa kanilang mala­kas na personalidad. Masarap silang maging ‘best friend for life’ o BFF dahil halos nasa kanila ang lahat ng magagandang katangian.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Walang dapat itago. Kung mahal mo ang iyong sarili, magpakatotoo kahit na marami ang masasaktan. Gumawa ng sariling rules at pamantayan para hindi abusuhin ng iba ang iyong kabutihan. Lucky color: Orange, lucky number: 4.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Magiging masaya ang iyong araw. Lumabas at subukang maglakad-lakad. Makakapag-isip nang malinaw kung mag-isa ka lang muna. Masyado nang naubos ang iyong oras dahil sa mga barkada. Lucky color: Gold, lucky number: 30.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Matindi ang nararamdamang emosyon. Pili­ting kumalma o kaya humanap ng makakausap. Subu­kang mag-medidate at huminga ng malalim. Lilipas lang ito nang hindi mo namamalayan. Lucky color: Maroon, lucky number:14.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Ma­syado ka nang komportable sa iyong nararamdaman. May maganda itong idudulot pero may hindi rin magandang epekto sa iyo. Balasehin para walang pagsisihan sa bandang huli. Lucky color: Blue, lucky number: 38.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Binabalot ng matinding kalungkutan. Huwag hayaang masira ang buong araw dahil sa maraming problema. Isipin na ang mga lahat ng ito ay lilipas para sa bagong umaga. Lucky color: Gray, lucky number: 11.

Related Posts

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Sa anumang gagawin, haluan ito ng puso. Kaila­ngang ipakita ang passion sa iyong ginagawa. ‘Wag ubusin ang oras sa sobrang pag-iisip na posibleng makasama sa iyong kalusugan. Lucky co­lor: Yellow, lucky number: 32.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Tignan sa mas malalim na perspective ang nangyayari sa iyong buhay. Lumabas ng comfort zone dahil mas maraming naghihintay na oportunidad sa iyo. Lucky color: Gray, lucky number: 29.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Mas­yado kang advance mag-isip. Subukan ang iyong limitasyon. ‘Wag masanay sa routine na dahilan ng iyong pagkainip. May mga bagay na masarap na subukan, magtagumpay ka man dito o hindi. Lucky color: Brown, lucky number : 9.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Hindi ka mahihirapan sa solusyon sa iyong problema kung magiging bukas sa ibang opsyon. Nakabaon ang katotohanan sa kailaliman. Nasa iyo na kung gusto mo itong hukayin para malaman at maliwanagan. Lucky color: Silver, lucky number: 22.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Mahirap lumugar kung masaya o malungkot. Ikaw ang mas nakakaalam kung ano ang dapat na gawin. Malalim ang mararamdamang tuwa. Gamitin ang free time sa pag-iisip. Lucky color: Maroon, lucky number: 55.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Lumayo sa problema at’ wag nang subu­kang makisawsaw pa. ‘Wag sayanyin ang oras sa isang gulo na wala ka namang mapapala. Lucky color: Red, lucky number: 32.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Alamin ang totoong isyu. Gawin na ito habang hindi pa malala ang gulo. ‘Wag sayangin ang oras sa taong hindi nakikita ang iyong kahalagahan. Yakapin ang senswalidad na mahirap hanapin sa ibang tao. Lucky color: Violet, lucky numner: 40.