Abante Tonite Interactive

Horoscope 12/06/2019

286

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – ‘Wag idamay sa isyu ang mga taong inosente. Mag-focus sa tunay na isyu. Tanggapin na meron ka ring pagkakamali. Lucky color: Brown, lucky number: 24.

CAPRICORN (Dis­yembre 22-Enero 19) – Ituloy ang mga plano. Maganda ang kahihinatnan ng sakripis­yo. Bigyan ng reward ang sarili pagkatapos ng trabaho. Kailangan ang balanseng buhay. Lucky co­lor: Yellow, lucky number: 19.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May mga bagay na dapat i-let go. Dito mo masusubok ang iyong kakayahan. Tandaan ang mga aral na laging ipinapaalala sa iyo. Makinig sa payo. Lucky color: Blue, lucky number: 15.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Mabibigla sa katotoha­nan. Maghunos-dili sa gagawin. Maraming madadamay sa isang ma­bigat na salita. Iwasang makasakit ng damdamin ng iba, Lucky color: Gold, lucky number: 8

ARIES (Marso 21-Abril 19) – ‘Wag nang ipagpaliban ang mga gagawin. Alisin ang mga pagdududa. Maaa­ring mapasubo kung hindi mag-iingat sa relasyon. Lucky color: Blue, lucky number: 8.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Maraming oras sa araw na ito kaya’t walang rason para hindi makapagrelaks. Ituon muna ang atensyon sa sarili. Magpahinga at magpaganda para sa isang malaking okasyon bukas. Lucky color: Yellow, lucky number: 18.

Related Posts

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Hindi mapigilan ang pagkainis sa isang tao. Dahil ba ito sa selos? Gagaang ang pakiramdam kung ilalabas ang nagpapa­bigat sa kalooban. Kausapin ito para magkaliwanagan sa isyu. Lucky color: Maroon, lucky number: 19.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22)-Kontrolin ang emosyon dahil baka ito pa ang ma­ging mitsa ng iyong kasawian. Hindi mo pa lubusang kilala ang taong kinagigiliwan. Mahirap nang matanso. Kilala­ning mabuti ang bagong nakilala. Lucky color: Pink, lucky number: 16.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Hindi kailangang sumigaw. Linawin ang mga limitas­yon para sa matahimik na pagsasama. May mga bagay na maaaring idaan sa masinsinang pag-uusap.Lucky color: Gray, lucky number: 9.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Pairalin ang lamig ng ulo. ‘Di malulutas ang gusot kung hindi magbibiga­yan. Nasa iyo ang desis­yon kung gusto mong maging masaya sa buhay. Matulog nang maaga. Lucky color: White, lucky number: 11.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Napapaligiran ka ng mga negatibo. Mas ma­buting kumawala muna sa grupo. May gantimpa sa malaking sakripis­yo. Lucky color: Silver, lucky number: 33.

SCORPIO (Oktub­re 23-Nobyembre 21) – Hindi malulutas ang problema kung mananahimik. Ikaw lamang ang makakalutas nito bago pa lumala. Pakinggang mabuti ang payo ng isang kasamahang nagmamalasakit. Lucky color: Maroon, lucky number: 30.