Abante Tonite Interactive

Horoscope 12/07/2019

302

Aaron Carter
Kaarawan: Disyembre 7, 1987

Kilala ang mga Sagittarius sa pagiging mababa ang loob. Matulungin at parang hindi maru­nong magalit. Tanging naiiba sa kanila ang pagiging masikreto kaya’t hirap basahin ang kanilang nasa isipan.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – Matagal ka nang nagpipigil sa mga gusto mong gawin at sa pagkakataong ito, may pag-ayon ang kapalaran. Mapapatuna­yan mo naman ang iyong kakayahan. Lucky color: Gold, lucky number: 33.

CAPRICORN (Dis­yembre 22-Enero 19) – Sa mga nagdaang araw ay naging abala ka sa mga seryosong usapin kaya deserve mong mag-relax. Lucky color: Yellow, lucky number: 7.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Kung may ilang nakakadismayang insidente sa mga nagdaang araw, mas magiging tahimik sa araw na ito. Tiyakin din na hindi naman mas­yadong napakataas ng goal na hinahabol mo. Kailangan mo ring maging realistic. Lucky co­lor: Maroon, lucky number:6.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Kali­mutan muna ang mga personal mong res­triksyon sa loob ng araw na ito. Iwasan lamang na masobrahan sa pagkain. Seryosohin ang nasimulang diet plan. Lucky co­lor: Yellow, lucky number:11.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Iwasang matakot lalo na sa mga maliliit na bagay. May dahilan ang lahat ng nagaganap. ‘Wag pi­litin ang hindi itinakda. Lucky color: Maroon, lucky number: 16.

Related Posts

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Nasa mood ka ngayon para makipag-usap. Sabihin ang lahat ng gumugulo sa isip. Ingatan lamang ang mga sinasabi. Lucky color: Yellow, lucky number: 16

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Ituloy ang mga naumpisa­hang bagay-bagay. Ibuhos muna rito ang iyong atensyon sa kasaluku­yan. Lalo lang malulungkot kung puro problema ang nasa isip. Lucky co­lor: Silver, lucky number: 22.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Kung may nasabi kang masakit sa isang kaibi­gan o kapamilya, humingi ng dispensa. ‘Wag ga­wing kumplikado ang simpleng buhay. Lucky color: Gold, lucky number: 17.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Wala sa isip ang ginagawa kaya’t posibleng magkamali. Iwasang ma­galit dahil nagpapabigat ito sa iyong buhay. Lucky color: Peach, lucky number:20.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Nalilito kung sino ang mas gusto. Makokompromiso ang iyong love life. Kalma ka muna habang mainit pa ang isyu. Lucky color: White, lucky number:4.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Nasosobrahan ka sa pag-iisip. Masyado kang naapektuhan ng maraming bagay. Ilan sa ikinatatakot mo ay hindi naman mangyayari. Lucky co­lor: Brown, lucky number: 6.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Maging alerto sa paligid. Isipin ang mas makabubuti. May kakaibang ganap sa araw na ito. Lucky color: Silver, lucky number: 18