Abante Tonite Interactive

Horoscope 12/09/2019

430

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Mas maigsi ang iyong pasensya ngayon. Iwasan lamang na pagbuntunan ng init ng ulo ang isang taong malapit sa iyo. Unawain mong sadyang hindi kayo magkapareho ng interes kaya’t ‘wag nang ipilit ang hindi pupuwede. Lucky color: Black, lucky number: 7.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – May pagkakataon ka ngayon para makipagkonek sa mga taong katulad mo ng interes. Ilan sa mga taong makakasalamuha mo ngayon ang may malaking maitutulong sa iyo sa hinaharap. Lucky color: Green, lucky number: 50.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Kaila­ngan mo nang tapusin ang isang naumpisahan. Hindi na uubrang paghintayin ito. Wala kang matatapos kung lahat ay puro simula. Lucky color: Gold, lucky number: 18.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Hindi mo man mabigyang solusyon ang problema ng lahat, sapat nang makatulong sa isang taong nanga­ngailangan. May malaki kang magagawa para ­iangat ang kanyang kalagayan. Lucky color: Gray, lucky number: 31.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Hindi masamang kuwestyunin ang isang nakakataas sa iyo ng posisyon pagdating sa isang importanteng trabaho. Kung magkakaroon ng kapalpakan, ikaw ang mapagbubuntunan ng sisi kaya linawin muna ang lahat. Lucky color: Brown, lucky number: 38

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Hindi puwedeng ibang tao ang magdesisyon para sa iyo kung ano ang tama at ano ang mali. Mas uunahin ng iba ang kanilang interes kaysa sa iyo. Matutong magdesisyon para sa sarili. Lucky color: Yellow, lucky number: 42

Related Posts

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Ibigay ang respeto sa kinauukulan. Hindi puwedeng balewalain ang posisyon­ ng isang nakakataas sa iyo dahil lamang hindi mo siya personal na gusto. Lucky color: Red, lucky number: 9.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Mahihirapan kang tangga­pin ang opinyon ng isang kapamilya. Pero ‘wag nang subukang baguhin ang kanyang pananaw upang makaiwas sa drama. Respetuhin na lamang ang inyong pagkakaiba. Lucky color: White, lucky number: 18

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Huwag matakot sa konting pagkakamali. Hindi ka naman hinuhusgahan ng lahat. Tandaan na lamang ang leks­yon na nakuha mo sa karanasang ito. Lucky color: Silver, lucky number: 39.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Maging maingat sa mga sitwasyong may kinalaman sa pera. Hindi lahat ng magagandang alok sa iyo ay totoo. Kilatisin munang mabuti ang nag-aalok bago pumayag. Lucky color: Violet, lucky number: 50.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Hindi masamang itodo ang effort pero kailangan munang tiyakin mo na anumang ipinupursige ay siyang tunay na gusto mo. Isiping mabuti kung ano ang malapit sa iyong puso. Mahirap nang mapasubo. Lucky color: Silver, lucky number: 11

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Kahit alam ng mga tao na kailangan mo ng tulong, hindi sila magbobo­luntaryo sa iyo. Kailangan mong magsalita at personal na hingin ang pag-alalay na kailangan mo. Hindi sa lahat ng oras ay ikaw ang laging lalapitan. Lucky color: Maroon, lucky number: 50