Abante Tonite Interactive

Horoscope 12/12/2019

319

Pops Fernandez

Kaarawan:
Disyembre
12, 1966

May mataas­ na ambisyon sa buhay. Hindi siya susuko hangga’t hindi naabot ang pangarap.May pagkasensitibo kaya mahirap siyang biruin.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Maging mailap man sa’yo ang suwerte ngayong araw ay hindi ka naman mabibigo sa mga darating pang araw. Kailangan mo lang talagang pagdaanan ang mga pagsubok. May maghihintay­ na magandang kapalaran. Lucky color: Red, lucky number: 50

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Pagbibigyan mo ang kahilingan ng iyong mahal kahit pa kontra dito ang iyong mga magulang. Para sa’yo ay handa kang gawin ang lahat­ at harapin ang lahat maibigay mo lang ang makapagpapasaya sa kanya. Lucky color: Navy Blue, lucky number: 13.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mabilis pa sa alas kuwatro na tutugunan mo ang panga­ngailangan ng isang malapit na kaibigan.­ Nakatatak kasi sa isip mo ang mga tulong na nagawa niya para sa’yo. ‘Wag idaan sa biro ang seryosong usapan. Lucky color: Pink, lucky number: 17.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Mala­laman mo na ang sagot sa isang tanong na matagal nang gumugulo sa isipan. Ngayon mo masasabi na hindi talaga siya naging tunay na kaibi­gan sa’yo dahil naniwala siya sa sabi-sabi, Maging leksyon ang hindi magandang karanasan. Lucky color: Orange, lucky number:9.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Maghapon kang maghihintay sa isang tao na hindi naman darating. ‘Wag ipi­lit ang sarili mo lang kagustuhan. Hindi ito uubra sa ngayon kaya’t mag-isip ng ibang paraan. Lucky color: Apple green, lucky number: 5.

Related Posts

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Mababayaran mo na rin sa wakas ang utang mo. Magdiskargo kung matagalan bago mo ito mabayaran. Sadyang mailap pa sa iyo ang suwer­te. Lucky color: Black, lucky number: 26.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Isang sikreto ang mabubunyag sa’yo ng isang kaibigan. Dahil dito maiilang ka nang lapitan at kausapin ang isang tao. Mas mabuting isantabi muna ang natuklasan at ituloy ang pagkakaibigan. Lucky color: Gray, lucky number: 19.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Maiiwasan mo na madamay sa gulo kung didistansya ka sa taong negatibo. Hindi naman masamang mag-ingat lalo pa’t alam mo na hindi siya magandang impluwensya sa iyo. Lucky color: Blue, lucky number: 15.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Maaa­gapan mo na nga­yon ang isang oportunidad na nakalampas sa’yo noon. Agapan ito bago pa mapunta uli sa iba. May maiisip na paraan para makamit ito nang walang kahirap-hirap. Lucky color: White, lucky number: 47.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Ang isang gawain na kinalimutan mo na ay magkakaroon ka ulit ng interes ngayon. Marami lang nadamay sa iyong kalungkutan. Kung gusto mong mag-enjoy labanan ang mga stress sa buhay. Lucky color: Gold, lucky number: 56.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Kahit na anong pag-iwas ang gawin mo ay hindi mo maiiwasan ang responsibilidad mo bilang ina. Tumayo sa sariling mga paa at ‘wag umasa sa iba. Ibangon ang pangalan na labis na nasira sa iyong kapabayaan. Lucky color: Green, lucky number: 8.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Kung dati ay kinaiinisan mo ang mga tao na mahilig mag-display ng kanilang effection, ngayon ay maiintindihan mo na rin sila dahil ikaw mismo ay makakaranas nito at hindi mo mapipigilan ang sarili mo. Lucky color: Peach, lucky number: 26.