Abante Tonite Interactive

Horoscope 12/15/19

346

Don Johnson
Kaarawan: December 15, 1949

Masayang kasama kahit na may dinaramdam o problema. May pagpapahalaga sa mga salita. Importante sa kanya ang quality time kaysa anumang materyal na bagay.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Habang humihirap ang hamon mas lalo kang nae-excite. Sapat din ang iyong enerhiya para malagpa­san ang lahat ng kailangang gawin. Push pa ng kaunti para sa iyong tagumpay. Lucky color: Gold, lucky number: 8.

CAPRICORN (Disyembre 22-Ene­ro 19) – Hindi masamangdoblehin ang pag-iingat. Sakto rin ang pagkakataon para pag-isipang mabuti ang isang plano. Iwasang maging padalos-dalos para walang pagsisihan. Lucky color: Violet, lucky number: 59.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Nasa isyung partnership ang pokus ng araw na ito. Importante pa ring mana­panatili ang respeto sa isa’t isa. Marami pa kayong dapat pagsamahan kaya wag sirain sa mga petty issues lamang. Lucky color: Peach, lucky number: 19.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Ito ang paborableng araw para maki­pagkita sa mga kaibigan at sumama sa kanilang aktibidad para mag-explore. Gamitin ang pagkakataon para mapalalim pa ang isang koneksyon na magagamit mo para sa iyong career. Lucky color: White, lucky number: 40.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Kung ano ang target mo sa buhay ay madali mo lamang makukuha. Makakatulong ang ilang kaibigan para maisulong ang iyong interes. Marami ang handang tumulong na hindi mo inaasahan. Lucky color: Maroon, lucky number: 18.

Related Posts

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Hindi masamang sumubok ng anumang bago. Muling titibok ang damdamin sa taong madalas na kasama. Maaa­ring hindi agad sumang-ayon ang iyong pamilya pero mananaig kung ang lahat ay tungkol naman sa sarili mo, kailangang ikaw pa rin ang masunod at hindi ang sinuman. Lucky color: White, lucky number: 16.

GEMINI (Mayo 21-Hun­yo 20) – Ikonsidera ang iyong pangmatagalang plano kaysa ang mga pangmadalian lamang. Kung kailangang pumili, unahin ang praktikalidad bago ang emosyon. Mas wala kang pagsisisihan kung mulat ang mata mo sa katotohanan. Lucky color: Red, lucky number: 4

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Samahan ng magandang sense of humor ang iyong pagiging lider. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay uubra ang pagiging seryoso. Hindi masamang tumawa o magpatawa. Mas masarap magtrabaho pag magaan ang pakiramdamam. Lucky color: Green, lucky number: 38.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mahirap ka ngayong kumbinsihin at lahat ay nagtataka sa iyong biglang pagbabago. Makukuha rin nila ang mensahe ng panaginip. Kailangan ka munang magsolo at magmuni-muni. Lucky color: Yellow, lucky number: 19.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – May makikilala ka ngayon na may kapareho ng iyong interes. Magbubukas ang iyong kaisipan sa mara­ming posibilidad. Hindi masamang isantabi ang mga nakagawian para subukan ang bago. Lucky color: Blue, lucky number: 6.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Siguraduhing hindi nasasamantala ang iyong kabaitan. Ilang tao ang gusto lamang sumawsaw sa iyong po­pularidad. Kailangang iparamdam sa kanila na alam mo ang kanilang masamang balak. Lucky color: Green, lucky number: 19.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Ang isang nasimulan mo ay magiging isang malaking proyekto.Magugulat sa pagpasok ng magandang suwerte. Kung dati ay may pagduda sa ilang tao sa paligid, ngayon ay kumbinsido silang may ibubuga ka pa. Lucky color: Violet, lucky number: 23.