Abante Tonite Interactive

Horoscope – 12/21/2017

95

ARIES (March 21-April 19) – Ayusin ang mga gamit. Nakakadagdag sa tensyon ang magulong paligid. Unahin ang kapaka­nan ng pamilya kaysa sa sarili. Suportahan ang ­kaibigan na may problema. Lucky color: Gold, lucky number: 4.

TAURUS (April 20-May 20) – Aminin ang pagkukulang. Magtatagal ang pagsasama kung magiging tapat sa isa’t isa. Labanan ang malakas na hatak ng tukso. Lucky color: ­Violet, lucky number: 17.

GEMINI (May 21-June 21) – Bigyan ng time ang kasama sa bahay na naglalambing. Ipakita ang tamang asal. Bilang nakakatanda, ikaw dapat ang maging ehemplo ng mga bata. Lucky color: Maroon, lucky number: 55.

CANCER (June 22-July 22) – Pumarehas sa laban. Kung ikaw ang nasa taas noon, malamang nasa ibaba ka naman. Huwag personalin ang kritisismo na para sa iyong kabutihan. Lucky color: White, lucky number: 33.

LEO (July 23-August 22) – Dagdagan pa ang pasensya. Maraming aral na mapu­pulot sa mga nangyari. Mag-aral pa. Kailangan mo ng dagdag-kaalaman para makalaban sa matinding kumpetisyon. Lucky color: Peach, lucky number: 26.

VIRGO (August 23-September 22) – Masaya ang buong araw pero kailangan ng spiritual guidance. May malalim na hugot kaya ka nalulungkot. May masasabi na pagsisisihan nang matindi. Lucky color: Yellow, lucky number: 6.

Related Posts

LIBRA (September 23-October 23) –Sinupin ang pagkain sa lamesa. Ituro ang tamang asal sa mga bata. May boses na pamil­yar. Hindi mo kailangang taguan ang matagal nang atraso. Panahon na para humingi ng tawad. Lucky color: Orange, lucky number: 11.

SCORPIO (October 24-November 21) – Yakapin ang kasuyo. Ito lang ang pwede mong gawin para sa kanya. Sanayin na ang sarili na mag-isa. Matagal nang nagtiis kaya tama lang na ikaw naman ang sumaya. Lucky color: ­Maroon, lucky number: 26.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Maniwala sa kausap. Huwag pilitin ang taong ayaw sa iyo. Hindi ka rin magi­ging masaya kung hindi taos sa puso ang nara­ramdaman para sa iyo. Imulat ang mga mata sa katotohanan. Lucky color: Brown, lucky number: 43.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Gawin ang lahat ng magagawa para mai­salba ang relasyon. Ayusin ang mga legal docu­ments bago pa magkaproblema. Isang kasamahan ang biglang mangangailangan ng pera. Kung may extra, pwede kang tumulong. Lucky color: Red, lucky number: 16.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Unahin ang kalusugan. Lalapitan ng mga bata dahil sa pagiging magiliw. Iwasan ang paulit-ulit na salita na nakakairita. Lucky color: Yellow, lucky number: 51.

PISCES (February 19-March 20) – Mag-budget. Maraming gastos na haharapin. Walang gagawa ng trabaho kundi ikaw kaya doblehin ang sipag. Kung may libreng oras, itulog na lang ito kaysa sumama sa barkada. Lucky ­co­lor: Gray, lucky number: 5.