Abante Tonite Interactive

Horoscope – 12/23/2017

105

ARIES (March 21-April 19) – Medyo seryoso ang araw na ito. Malungkot at pali­gid at parang ayaw makipag-usap ng tao sa iyo. Pero sa gabi, medyo sasaya ka na dahil nalutas na ang problema. Magiging proud sa maa-accomplish sa araw na ito. Lucky color: violet, Lucky number 8.

TAURUS (April 20-May 20) – Mara­ming dapat baguhin sa relasyon. Isang ka-grupo ang biglang kakampi sa iyong ideya. Nasa proseso ka nang pagbabago o reporma. Nasa iyo ang suporta ng mga kasama. Lucky color: red, Lucky number: 9.

GEMINI (May 21-June20) – Huwag sayangin ang magandang oportunidad. Good timing para aregluhin ang tension sa loob ng bahay. Congratulations sa job well done! Lucky color: yellow, Lucky number: 22.

CANCER (June 21-July 22) – Satisfied ka ba sa lovelife mo? Bawasan ang pagiging pabebe. Mag-eksperimento. Bakit hindi bigyan ng laya ang kapartner para makahinga naman ito. Risky ito para sa iyo pero kakaibang saya naman sa partner mo. Lucky color:brown, Lucky number: 44.

LEO (July 23-August 22) – Walang garatinya sa mundong ibabaw. Kailangang ma­ging handa sa anumang mangyayari. Ibigay ang pagtitiwala sa taong minamahal para ito rin ang gawin niya sa iyo. Mas matibay ang pagsasama na walang limitasyon at kondisyon. Lucky color: white, Lucky number: 30.

VIRGO (August 23-September 22) – Kailangan mo ng taong magtuturo sa iyo. Mag-iiba ang takbo ng buhay dahil sa isang desisyon. Subukan i-embrace ang pagbabago na para sa iyong kabutihan. Lucky color: blue, Lucky number: 36.

LIBRA (September 23-October 22) – Mag-meditate. Suriin ang damdamin na matagal nang hindi ginagawa. Abandonahin ang anumang gumugulo sa isip. Tumigil pan­samantala sa ginagawa dahil tao ka na kaila­ngang magpahinga at hindi robot. Lucky co­lor: maroon, Lucky number: 11.

SCORPIO (October 23-November 21) – Lilipat sa ibang lugar. Huwag nang kontrahin ang matagal nang plano. Isipin ang magagandang nangyari noon para sa good vibes. Lucky color: violet,lucky number: 48.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Kung magulo ang buhay, ­ayusin na agad ito. Mahahatak sa ibang direksyon o larangan. Subukan muna ito bago ayawan. Lucky color: orange, Lucky number: 30.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Maghanda para sa future. Hindi na mapipigil ang paglipas ng panahon. I-enjoy na ang natitirang sandali nang pagiging single. Maging kalmado kahit napapaligiran ng tension. Lucky color: white, Lucky number: 45.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Mag bagong makikilala. Madaling magkakahulihan ng loob dahil sa parehong interes. Samantalahin ang masuwerteng araw na ito na para talaga sa iyo. Lucky color: gray, Lucky number: 26.

PISCES (February 19-March 20) – Tahimik ang buong araw. Paunti-unti maaalis ang anumang alinlangan. Maging confident sa pakikipag-usap dahil ikaw ang lalapitan ng suwerte sa negosyo. Lucky color: green, Lucky number: 9.