Abante Tonite Interactive

Horoscope 12/28/2018

355

Jill Yulo

Kaarawan: Disyembre 28, 1989

Marami sa mga babaeng Capricorn ay may weirdong personalidad dahil sa kakaiba nilang tawa kapag sila ay natutuwa. Iba rin sila mag-isip dahil malayo ang kanilang mga ideya at opinyon sa mga normal o tradisyonal na kaisipan. Mahi­lig sila sa music at art kung saan umiikot ang kanilang mga hobby o interest.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Simulan na ang pag-ayos sa iyong buhay. Humarap sa salamin at alisin ang suot na maskara. May kailangang tapusin kung saan nakasalalay ang iyong magandang kinabukasan. Lucky color: Gold, lucky number: 55.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Malulusutan ang anumang alanganin na sitwasyon. Samantalahin ang malakas na energy. Makukuha ang respeto ng ibang kasama. Ikaw lang ang ina­asahan na makakagawa nang maayos sa isang trabaho. Lucky color: Red, lucky number: 51.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Huwag maghintay ng reaksyon sa isang joke o biro. Sa halip, gumawa ng aktibidad na may interaction. Tapusin ang ginagawa para makapag-relax sa bandang gabi. Lucky color: Yellow, lucky number: 39.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Kaila­ngan ang isang makatwirang desisyon. Mag-concentrate mabuti para maiwasang magkamali. Huwag magpaapekto sa mga drama sa paligid. Mag-focus sa isang isyu. Lucky color: Silver, lucky number 40.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Magiging magaang ang paligid dahil sa masayang mood. Nasa iyo ang huling desisyon. Gayunman, mas mabuting balikan ang mga naudlot na gawain. Tapusin ito ngayon at huwag nang ipagpabukas pa. Lucky color: Violet, lucky number: 26.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Magiging maganda ang takbo ng araw. Unti-unti nang makakamit ang resulta o bunga ng pinaghirapang project. Aayunan sa mga magagandang ideya. Kontrolin ang emosyon at gawing malinaw ang kaisipan. Lucky color: Gray, lucky number: 30.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Maging makatotohanan sa mga inaasam na bahay. Asikasuhin ang mga halaman na matagal nang hindi nadidiligan. Maging disiplinado sa pagkain para makaiwas sa sakit. Lucky color: Blue, lucky number: 33.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Maging alerto sa kuwento na hindi totoo. May gusto itong ipahatid sa iyo. Ituon ang isip sa mali­liit na detalye. Sumali sa mga group activity. Lucky color: Silver, lucky number: 29.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Makakaramdam ng lungkot sa isang pangyayari. Hinay-hinay lang muna sa pagsasalita para hindi magkamali. Lucky color: Violet, lucky number: 20.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Iwasan ang sobrang pag-aalala. Lumayo muna sa maiinit na diskusyon. Huwag pilitin ang sarili. Magpahinga at mag-relax. Lucky color: Maroon, lucky number: 34.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mas makakapag-isip nang mabuti kung tahimik ang paligid. Bigyan ng second chance ang malapit na kaibigan na nagkamali. Mas pahalagahan ang pinagsamahan kaysa sa pride. Maging totoo sa sarili. Lucky color: Blue, lucky number: 12.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Mag-focus sa mga importanteng bagay. May pressure sa loob ng bahay pero isang magandang project o oportunidad ang magiging kapalit nito. Pili­ting maging positibo kahit napapaligirian ng mga problema. Lucky color: Red, lucky number: 45.