Abante Tonite Interactive

Horoscope 12/29/2018

447

Frankie Miñoza
Kaarawan: Disyembre 29,1959

Gagawin ang lahat para tumagal ang relasyon. Mas gusto niyang makakilala ng mga bagong kaibigan sa pamamagitan ng mga pinagkakatiwalaang tao. Seryoso siya sa bawat relasyon na papasukan dahil ibibigay niya ang lahat para mapasaya ang kanyang minamahal.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Kahit na nakakaramdam ng galit, may mga bagay na kaila­ngang ayusin. Marami ang umaasa na magagawan mo ng paraan ang isang problema. Magtiwala lang sa sarili at tiyak na magugulat ka sa magandang mangyayari. Lucky color: Brown, lucky number: 55.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Pakinggan ang taong nagsasalita sa iyong harapan. Malaki ang magagawa mo sa iyong pakikinig. Bakit hindi mo ito gawing career dahil tiyak na magi­ging epektibo ka sa ganitong trabaho. Lucky color: White, Lucky number: 40.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Kung hindi man magtagumpay sa unang pagtatangka, subu­kan muli ito. Maging open sa bagong adventure nang walang pagsisisi na gagawin. May makikilala na mga bagong kaibigan na may katulad na interes. Lucky color: Gray, lucky number: 44.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Dahil sa malakas na personalidad, marami ang maa-attract na lumapit. Magbibigay ito ng masarap na pakiramdan. Huwag itago ang emosyon, maari itong panggalingan ng inspirasyon. Lucky color: Green, lucky number: 2.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Pakinggan ang positive feedback para sa isang desisyon na magpapabago ng iyong buhay. Ipakalat ang positive vibes. May malakas na energy na makakatulong para magawa ang mga misyon sa buhay. Lucky color: White, lucky number: 50.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Hindi sa lahat ng oras ay kailangan ang pagpaplano. Bigyan ng laya na matuklasan ang mga bagay na dumarating. Kung taliwas man ito sa iyong paniniwala, walang mawawala kung yayakapin ang mga bagong kaganapan. Lucky color: Maroon, lucky number: 26.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Gusto mong makita ang malaking pagbabagong magaganap. Huwag masyadong kritikal sa isyu ng politika at kahirapan. Mas magiging epektibo ang solusyon kung paiiralin ang malawak na pang-unawa at diplomasya. Lucky color: Violet, lucky number: 11.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Mararamdaman ang tension sa loob ng pamilya. Ikaw na mismo ang makakaalam ng pinagmulan nito. Isang malapit sa iyo ang kailangan mong damayan at alalayan sa pinagdaraanang problema.Lucky color: Orange, lucky number: 22.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Hindi ka nag-iisa sa laban na ito. Marami ang nakahandang sumuporta sa iyo kaya’t huwag nang mag-alala. May bahay kang uuwian at pamilya na daratnan. Lucky color: Red, lucky number: 38.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) –Lalabas ang pagiging creative. Makakaramdam ng tuwa kahit sa simpleng pagdidilig ng halaman. Huwag gawing kumplikado ang buhay dahil lang sa maliit na problema. Lucky color: Yellow, lucky numbe: 29.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Dahil sa magandang attitude sa buhay, lalong bumabata ang iyong pakiramdam. Senyales ito ng pagiging isang wais. Sa kabila ng mga problema sa iyong relasyon, alam mo na temporary lang ito at lalong nagpapatibay sa inyong samahan. Lucky color: Brown, lucky number: 5.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Isa-isahin ang mga nangyari noong nakaraang taon. May ginawa ka ba para mabago ito? Gawin ang mga gustong pagbabago base sa iyong intuwisyon. Kahit na mahirap itong simulan, malaki ang idudulot nitong pagbabago sa buhay. Lucky color: Red, lucky number: 30