Abante Tonite Interactive

Horoscope 12/30/2018

442

LeBron James
Disyembre 30, 1984
Malihim ang mga lalaking Capricorn at isa sa ayaw nila ay kapag tinatanong sila kung ano ang kanilang iniisip o ginagawa. Hangga’t maari, mas gusto nilang magtrabaho o gumawa ng nag-iisa. May pagkamailap subalit kapag nakagaangan mo na sila ng loob, dito makikita ang magaganda nilang katangian.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Magugulat sa matatanggap pagkilala o award.
May mga tao na naghihintay sa iyong paglapit. Palagi silang nakamasid at nagbabantay sa iyong ginagawa. Lucky color: Brown, lucky number 41.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Magkakaroon ng maraming libreng oras. Sulatan o tawagan ang pamilya o kaibigan na nasa malayo. Mag-suggest ng bagong ideya para masimulan ang bagong pro­ject.Minsan, mas magmamarka ang kakaibang ideya na hindi mo inaasahan na marami ang magkakagusto. Lucky color: Pink, lucky number: 18.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – May magandang ideya na maiisip kapag kalmado at naka-relaks.Babalik ang da­ting inspirasyon. May kakaibang init na mararamdamann sa bagong lugar na pupuntahan. Lucky color: Yellow, lucky number: 46.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Bigyan ng atensyon ang taong tahimik. May gusto itong sabihin sa iyo. Matuton­g sumunod sa mga utos para magawa nang maayos ang trabaho. Lucky color: Violet, lucky number: 5.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – May mga bagay na ayaw mong makita at marinig sa ngayon. Huwag itong isisi sa taong may dala ng balita. Maging mapili sa taong bibigyan ng pagtitiwala. Lucky color: Blue, lucky number: 27.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – May malaking event na kailangang paghandaan. Huwag ipilit ang mga bagay na hindi mo gusto. May mas importate na dapat pasalamatan kaysa sa materyal na bagay.Lucky color: Gray, lucky number: 5.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Malaki ang impluwensya mo sa mga nakababatang mga kasama. Gamitin ito sa pagtuturo ng tama. Mahirap umasa sa taong minsan ka nang binigo. Pag-ingatan ang magandang reputasyon.Lucky color: Violet, lucky number: 28.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Pagmasdan ang paligid. Marami kang mare-realize sa iyong nararamdaman. Lalo pa itong titindi sapaglipas ng mga araw. Huwag matakot magsalita. May hatid na tuwa ang damdamin na malaya. Lucky color: Green, lucky number: 16.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – Hindi lahat ng pagsubok ay malalagpasan mo sa isang iglap. Minsan kailangan mo itong akyatin para makita mo ang nasa ibaba. Iwasang ang pagkukumpara sa dalawang tao na may magkaibang personalid. Piliin ang taong malapit sa iyong puso. Lucky color: Maroon, lucky number: 50.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Darating ang nawawalang bahagi ng isang problema na hindi malutas-lutas. Makakapagpahinga ka ng ngayon dahil may isang tao na aakos sa iyong paghihirap. Magpasala­mat at suklian ito ng nararapat na pagmamahal. Lucky color: Orange, lucky number: 31.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mabilis na lilipas ang araw dahil sa dami ng ginagawa. Iwasan muna pumasok sa bagong project. Magpahinga para ma-recharge ang lakas. Lucky co­lor: Yellow, lucky number: 40.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Hindi lahat ng nangyayari sa iyo ay kailangang sabihin. May mga bagay na itago sa iyong sarili lalo na kung alam mong marami ang masasaktan dito. May nalalapit na pagbibiyahe. Maghanda ng extra budget. Lucky color: Red, lucky number: 32.