Abante Tonite Interactive

Horoscope 14/06/2018

440

Gilbert Teodoro (Birthday: June 14, 1964)

Mabilis mag-isip at expressive sa kanilang nararamdaman ang mga lalaking Gemini. May dalawang personalidad na minsan ay nakakalito kung sino sa mga ito ang totoo o hindi. Palakaibigan at mahilig sa mga adventure. Kapag naging serious, lalabas ang kanilang totoong pagkatao bukod sa pagiging thoughtful at maalalahanin.

ARIES (March 21-April 19) – Gami­ting inspirasyon ang pamilya na laging nakasuporta sa iyo. Kung kaya nila, kaya mo rin kaya magtiwala sa sarili. Lucky color: Beige, lucky number: 14.

Abante Hiring – IT dep

TAURUS (April 20-May 20) – Bantayan ang mga gamit. May mga tao sa pa­ligid na may hindi magandang balakin. Magmasid at laging mag-ingat. Lucky color: Yellow, lucky number: 30.

GEMINI (May 21-June 20) – Huwag manghusga ng kapwa. I-double check ang mga impormasyon bago ito i-announce. Manatiling parehas sa lahat ng oras para hindi masabihan na may kinakampihan. Lucky color: Red, lucky number: 2.

CANCER (June 21-July 22) – Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kaila­ngang maging seryoso. Puwedeng tumawa paminsan-minsan sa mga joke. Mas maganda ang resulta ng trabaho kung relaks ang iyong isip. Lucky color: Violet, lucky number: 15.

LEO (July 23-August 22) – Parang may gustong takasan sa nangyayari sa iyong buhay. Huwag nang balikan ang kahapon. Alisin ang galit para gumaan ang pakiramdam. Lucky color: Green, lucky number: 25.

Related Posts

VIRGO (August 23-September 22) – May ibang bagay na sadyang mahirap makuha. Huwag ipokus dito ang lahat ng oras. Sa halip na madismaya, tanggapin ang leksyon na iniwan ng isang sitwasyon. Dagdagan ang pagiging maunawain sa araw na ito. Lucky color: Maroon, lucky number: 11.

LIBRA (September 23-October 22) – Pulutin ang magandang leksyon sa mga nangyari. Minsan sa ating buhay ay may dumarating na hindi natin inaasahan. Humingi ng payo sa mga nakatatanda. Lucky color: Orange, lucky number: 1.

SCORPIO (October 23-November 21) – Pumanig sa tamang katwiran. Mapapasubo sa isang seryosong biruan. Huwag pansinin ang mga hadlang sa iyong magagandang plano. Lucky color: Green, lucky number: 14.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – May mararamdamang pagdududa kaya huwag ituloy ang lakad. Huwag munang magdesisyon habang ga­nito pa ang iyong mood. Iwasang magbigay ng konklusyon na walang basehan. Lucky color: White, lucky number: 2.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Damhin ang malakas na positive energy sa bagong lugar. Mas marami kang maa-accomplish dahil sa good mood. Ituloy lang ang magandang nasimulan. Lucky color: silver, lucky number: 16.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Diplomasya ang pairalin sa araw na ito. Gamitin ito para mapalawak pa ang iyong koneksyon. May responsibilidad na dapat unahin kaysa sa mga barkada. Lucky color: Blue, lucky number: 9.

PISCES (February 19-March 20) – Abot-kamay na ang mga pangarap. May isang tao na laging laman ng isipan. Aminin ang atraksyon para sa su­sunod na hakbang. Lucky color: White, lucky number: 49.