Abante Tonite Interactive

HOROSCOPE 2/8/19

127

Benigno ‘Noynoy’ Aquino III
Kaarawan:
Pebrero 8, 1960

Malaking isyu para sa mga lala­king Aquarius ang pag-iipon ng pera. Pero dahil sa kanilang malakas na karisma, madali silang maka-­attract ng magagandang negosyo. May pagka-wild kung mag-isip ng diskarte, pero kung magiging maingat at masinop lang sila sa pera ay madali ang kanilang pagyaman.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Gusto mo ba talagang maabot ang iyong mga pangarap? ­Walang masamang maging agresibo pero maging maingat, baka may taong nasasagasaan. Hindi lahat ng tao sa iyong paligid ay papabor sa iyong sinasabi. Lucky color: Blue, lucky number: 56.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Ikaw na ang maunang lumapit para maayos ang gusot ng mga kaibigan. Maayos na ang iyong sitwasyon kaya’t huwag nang magreklamo. Hindi lahat ng oportunidad ay may magandang resulta. Lucky color: Maroon, lucky number: 1.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Maging bukas ang isipan sa maraming posibilidad. Obserbahan ang galaw ng mga kasamahan sa trabaho. Maging praktikal sa diskarte. Mas magiging malinaw ang isipan kung sapat ang pahinga. Lucky color: Silver, lucky number: 16.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Huwag ipilit ang sarili sa lugar na hindi mo feel. Tumanggi sa imbitasyon kung alam mong hindi ka magi­ging masaya dito. Kung sa tingin mo ay naaabuso ang iyong kabaitan, ikaw na ang kusang lumayo sa taong ito. Lucky color: White, lucky number: 10.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Masyado kang matalino para maloko. Maraming tagahanga ang magsasabi ng magagandang salita tungkol sa iyo. Magpasalamat sa kanila. Pagbigyan ang kur­yosidad para maging kumportable. Lucky color: Black, lucky number: 17.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Alam mo sa iyong sarili kung saan ka papunta. Luma­lawak ang iyong pananaw sa mundo. Gawing ­inspirasyon ang ambisyon. Simulan nang kausapin ang mga taong makakatulong sa planong negosyo. Lucky color: Orange, lucky number: 33.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – ­Piliting kalimutan ang nakaraan. Mas mag-focus sa bagong ikaw. Huwag nang ulitin ang mga nangyari lalo na ngayong alam mo ang naging problema. Gumawa ng sariling diskarte. Lucky color: Red, lucky number: 40.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Matutong makisama. Mas importante ngayon ang harmony o pagkakasundo. Bigyan ng halaga ang mga tao sa iyong paligid para sa matibay na relasyon. Lucky color: Yellow, lucky number: 19.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Huwag magpabiktima sa maling mga pangako. Sa halip na gumastos sa isang bagay, mas mabuting yayain na lang ang kaibigan o ka-partner na mamasyal. Hanapin ang simpleng ­bagay na magpapasaya sa iyo. Lucky color: Gray, lucky number: 44.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Hindi lahat ng bagong ideya ay maganda para sa iyo. Mas mabuting aralin muna itong ­mabuti bago mo pa sabihin sa iba. Lucky color: Gray, lucky number 7.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – ­Walang makakapigil sa pagpasok ng positive energy. May mga hadlang sa iyong daraanan pero hindi ka matitinag dito. Maging matatag sa desisyon at pagsasabi ng ‘no’. Hangga’t wala kang nilalabag sa batas, gawin ang mga gusto sa buhay. Lucky color: Violet, lucky number: 25.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May magandang indikasyon ang bagong lugar o trabaho. Kung anuman ang negatibong pakiramdam, pilitin itong labanan. Huwag kimkimin ang galit sa isang tao. Mas mabuting kausapin ito nang harapan. Lucky color: Yellow, lucky number: 28.