Abante Tonite Interactive

HOROSCOPE

444

Regine Velasquez

Birthday:
April 22, 1970

Mapagmahal, mahinahon at may isang salita. Paninindigan niya ito kahit na anong mangyari. Malakas ang karakter. Masarap na kausap dahil sa pagiging open min­ded sa maraming bagay. Katulad ng kanyang symbol na bull o toro, tahimik ang Taurus woman pero matigas ang ulo. Mabilis sumabog ang galit kapag nakakanti at siguradong ikakagulat ng mga taong kasama o kaharap nito. Kaya ingat sa pakikipagrelasyon sa babaeng Taurus dahil matindi silang magalit.

ARIES (March 21-April 19) – Pairalin ang diplomasya sa taong nagpapasakit ng iyong ulo. Maraming puwedeng gawin kung hindi man matuloy ang planong lakad. Magiging tahimik ang buhay kung ikaw mismo ang lalayo sa tukso. Lucky color: Yellow, lucky number: 3.

TAURUS (April 20-May 20) – Isang kapitbahay ang makikipag-usap. Linawin ang gusto nitong mangyari. Huwag agad pumayag kung may pagtutol dahil puwede itong pagmulan ng gulo sa inyong lugar. Lucky color: Blue, lucky number: 32.

GEMINI (May 21-June20) –Huwag puro pera ang isipin. Mas importante ang sarili at pamilya higit sa anumang bagay. Maghinay sa pagbubuhat ng mabigat dahil hindi ka pa ganap na magaling sa iyong karamdaman. Lucky color: Gray, lucky number: 45.

CANCER (June 21-July 22) – Isang bagay na nawawala ang biglang lilitaw. Maraming hindi maipaliwanag na nangyayari sa paligid. Huwag itong seryosohin dahil lilipas lang ang kaganapang ito. Sadyang may misteryo na hindi maipaliwanag ng isipan. Lucky color: White, lucky number: 9.

LEO (July 23-August 22) – Abala sa mga gawain sa komunidad. Maraming mapupulot na maganda sa taong kausap. Huwag idaan sa biro ang nararamdaman. Lakasan ang loob at sabihin ang katotohanan na matagal mo nang itinatago sa sarili. Lucky color: Maroon, lucky number: 10.

VIRGO (August 23-September 22) –Walang mawawala kung maniniwala sa matandang kasabihan. Magdesisyon habang maaga pa. Ikonsidera ang planong pagpunta sa probinsiya para makapagpahinga muna. Lucky color: Blue, lucky number: 16.

LIBRA (September 23-October 22) – Hindi ka masaya sa araw na ito. Maraming gumugulo sa iyong isip. Huwag saktan ang sarili dahil matatapos din ang mabigat na problemang dinadala. Manalig sa Itaas. Lucky color: Orange, lucky number: 25.

SCORPIO (October 23-November 21) –Mababasa ang isip ng ibang mga kasama. Pa­ngalagaan ang regalong ito na wala sa iba. Tapusin na ang mga dating isyu sa pamilya para mawala ang negative energy sa loob ng bahay. Lucky color: White, lucky number: 45.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Mistulang isang panaginip ang nangyari. Huwag personalin ang taong nagsasabi lang ng totoo. Huwag ituloy ang plano kung may tumututol dito. Lucky color: Maroon, lucky number: 2.

CAPRICORN (December 22-January 19) – May mararamdaman na kakaiba sa mga kasama. Makiramdam para ikaw mismo ang makaalam ng mga nangyayari sa iyong likuran. Kung wala kang kinalaman dito, mas mabuti na huwag nang makialam. Lucky color: Silver, lucky number: 5.

AQUARIUS (January 20-February 18) – May mensahe mula sa ibang lugar. Kung may duda sa pinanggalingan nito, mas mabuting mag-verify. Magiging masaya sa piling ng dating minamahal. Lucky color: Pink, lucky number: 34.

PISCES (February 19-March 20) – Magpa-panic dahil hindi makausap ang minamahal. Huwag basta gumawa ng konklusyon nang walang pruweba. Bigyan ng space o oras ang taong naguguluhan. Irespeto ang oras ng ibang kasama. Lucky color: Red, lucky number: 6.