Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/14/19

0 479

Kim
Rodriguez
Kaarawan: Agosto 14, 1994
Hindi basta sumusuko sa laban ang mga babaeng Leo. Handa silang luma­bas kapag inaapi. Subalit sa likod ng kanilang malakas na personalidad ay makikita ang isang tao na mabait at mapagmahal. Sila ang klase ng tao na kaya mong makasama nang matagalan.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Sa kabila ng nararamdaman mong kapaguran ay hindi ka maaaring huminto. Masuwerte ka dahil tambak ang trabaho mo ngayon. Pero ‘wag sagarin ang katawan para hindi ma-lowbat. Lucky color: Yellow, lucky number: 16.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Isang dating kaibigan ang muling magpaparamdam sa’yo ngayon para kumbinsihin kang sumali sa kanilang grupo. Magdadalawang isip ka pero mas mabuting tatanggihan mo ito. Lucky co­lor: Red, lucky number: 20.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Ma­raramdaman mo ang panlalamig ng iyong mahal sa hindi malamang dahilan. Marami kang tanong na gusto mong malaman ang sagot mula sa kanya pero mananatili kang tahimik. Mag-observe dahil may nagaganap sa pali­gid. Lucky color: Orange, lucky number: 16.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Paiiralin mo ngayon ang pagiging creative mo para sa isang proyektong pangkabataan. Hindi pa rin ikaw ang pipiliin nilang mamuno sa inyong grupo pero maipapakita mo ang iyong galing sa kanilang lahat. Lucky color: Silver, lucky number: 30.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mas gugustuhin mo pa ang maging manhid nga­yon kaysa maramdaman ang sakit na dulot ng na­bigong pag-ibig. Tanggapin sa sarili na may mga bagay na hindi talaga para sa iyo. Lucky color: Gray, lucky number: 40.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Huwag kang sumabak sa isang bagay na hindi ka sigurado. Dala lamang ng inggit at impluwensya ng mga kaibigan ang iyong pagnanais. Kung ipagpapatuloy mo ito ay posible lang mabigo. Lucky color: Brown, lucky number: 50.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Hindi mo masisisi ang isang tao na makaramdam ng sama ng loob sa’yo. May mali kang nagawa na hindi mo maamin sa sarili mo. Humanap ng magandang timing para humingi ng sorry. Lucky color: White, lucky number: 9.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Ang ginawa mong pagtatanggol sa isang kamag-anak ay lilikha ng panibagong gulo sa inyong pamilya. Hindi magugustuhan ng iba ang gagawin mong pagkampi. Mas mabuting manahimik muna pansamantala. Lucky color: Silver, lucky number: 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – Kailangan mong pagbigyan ang kahilingan ng iyong boss alang-alang sa iyong trabaho. Alam mo ang kahihinatnan mo kung susuwayin mo ang kanyang ipinag-uutos. Pagtiisan muna ang paghihirap na nararanasan. Lucky color: Violet, lucky number: 16.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Isang tao ang mag-iistalk sa’yo dahil sa sobra ka niyang gusto. Pero wala siyang balak na sabihin sa’yo dahil alam niya na pag-aari ka na ng iba. Iwasan muna ang mga barkada para malayo sa hindi magandang bisyo. Lucky color: Blue, lucky number: 38.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Magiging mapalad ka ngayon sa paghawak ng iyong negosyo. Maaliwalas ang panahon at aayunan ka ng tadhana. Huwag mong bibitawan ang suwerte na ito hangga’t kaya mo. Puwedeng maagaw ito ng iba kung hindi ka mag-iingat. Lucky color: White, lucky number: 17,

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Mataas ang iyong ambisyon. Hindi mo alintana ang masalimuot na mga daan patungo rito. May mga pagkakataon na iniisip mong sumuko pero huwag itong gawin. Humingi ng suporta sa iyong pamilya. Lucky color: Peach, lucky number: 2.