Abante Tonite Interactive

HOROSCOPE

721

Cogie Domingo
Kaarawan: Agosto 15, 1985
Sila ang tipo ng lalaki na hindi nakakalimot sa mga importanteng detalye sa buhay ng kanilang minamahal. Alam nila ang birthday, first anniversary at iba pang petsa na dapat na i-celebrate. Mahilig silang magsopresa sa kagustuhan nilang mapasaya ang kanilang mga loved one.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Maaring ma-late sa isang appointment. Madali ka ring makakahabol kung gusustuhin. Kailangan lamang na palipasin ang araw na ito para makapagpahinga. Lucky color: Blue, lucky number: 8.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – ‘Wag nang magsayang ng oras sa pakikipagtalo sa mga taong hindi mo katugma ng pananaw. Magsasayang ka lang ng oras. Hindi rin naman nila mababago kung ano ang posisyon mo. Respeto ang pairalin. Lucky color: Yellow, lucky number: 18.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) –– Kung may tiwala ka sa sarili mo, lahat ay kaya mong pagtagumpayan. May takot ka man na nararamdaman pero makikita mong marami ang naniniwala sa iyo. Lakasan ang loob sa pagharap sa bagong kabanata ng buhay. Lucky color: Maroon, lucky number:19.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Masyado kang emosyunal sa araw na ito. Iwasan lamang na ubusin ang oras sa mga isyung na wala sa iyong kontrol. Magpokus na lamang sa mga positibong nangyayari. Lucky color: Pink, lucky number: 16.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Isang taong dati mong inaasahan ang biglang tatalikod sa iyo. Hayaan lang ito dahil maliliwanagan din ito sa bandang huli. Wala kang dapat sisihin, sadyang na­ging mataas lamang ang iyong expectation sa kanya. Lucky color: Gray, lucky number: 9.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Isang ideya ang inaakala mong pinaka-best sa mga naisip mo. Pero merong mas hihigit pa. ‘Wag agad isarado ang isip. Iwasan din munang tumaya sa anumang tungkol sa numero. Lucky color: White, lucky number: 11.

Related Posts

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Mas mataas ngayon ang iyong kumpiyansa at kaya mong harapin kahit ang taong nakakataas sa iyo. Kung may gusto kang patunayan, ipagpaliban mo muna ng ilang araw para hindi pumalpak ang diskarte mo. Lucky color: Silver, lucky number: 33.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Pag-aralan kung saan mo talaga gustong pumunta at unti-unti mo nang ilatag ang mga plano tungo sa direksyong ito. Hindi puwedeng madaliin ang isang bagay na kailangan ng oras. Hindi matamis ang pilit. Lucky color: Maroon, lucky number: 30.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Isang isyu na matagal mo nang inihahanap ng solusyon pero hindi mo pa nareresolba ang kusang malulutas sa mga susunod na araw. Wag nang ikasama ng loob na hindi ikaw ang nakapagbigay ng tamang solusyon. Tanggapin na meron ka ring limitasyon. Lucky color: Brown, lucky number: 24.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Isang taong nakasamaan mo ng loob sa nakaraan ang biglang magiging mabait sa iyo. Maari kang magduda sa kanyang motibo. Talasan lang ang pakiramdaman para hindi ka maunahan sa anumang pakay nito. Lucky color: Yellow, lucky number: 19.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Sobra-sobra ka sa energy sa araw na ito. Ilang tao naman sa paligid mo ang wala sa mood. Pagbigyan ang isang pakiusap ng kaibigan. Ikaw na ang kumikilos para iwas mintis. Lucky color: Blue, lucky number: 15.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Ingatan ang lahat ng sinasabi ngayong araw na ito upang hindi ka makasakit ng isang kaibigan o maaaring kasamahan sa trabaho. Matindi ang balik kapag nakasakit ka ng damdamin ng iba. Hindi lahat puwedeng idaan sa biro. Lucky color: Gold, lucky number: 8.