Abante Tonite Interactive

Horoscope 7/15/19

383

Chris Tiu

Kaarawan: Hulyo 15, 1985

Madali silang masaktan at hindi rin madaling magpatawad. Mahaba ang kanilang memorya kaya hindi nila agad makakalimutan ang mga mali na ginawa sa kanila. Ma­ging mabait sa mga la­laking Cancer at gagantihan nila ito ng katapatang walang hanggan.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Isang pangyayari ang hindi maiiwasan at ito’y makakagulo sa iyong mga plano. Bagama’t negatibo ito para sa iyo, kalma ka lang dahil pansamantala lamang ang lahat. Magbabago din ang ihip ng hangin kinabukasan. Lucky color: Yellow, lucky number: 33.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Nasa mood ka ngayon para makipag-bonding. Samantahin ang magandang pakiramdam. Iwasang magtampo sa taong malapit sa puso. Happy vibes ka muna. Lucky color: Violet, lucky number: 40.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Ang mga taong matagal nang nagsasamantala sa iyong kabaitan ay makakaranas ng karma. Maging ang mga kasamahan mo sa trabaho ay apektado nito. Iwasang magpaasa sa taong matagal nang naghihintay ng kasagutan. Lucky color: Orange, lucky number: 12

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Maari kang malagay sa nakakahiyang sitwasyon . Maging alerto dahil hindi lahat ng akala mong kaibigan ay totoong kaibigan. Makinig ng music para kumalma ang isip at kalooban. Lucky color: Silver, lucky number: 4.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Hindi lahat ng sinasabi ng iyong malalapit na kaibigan ay dapat mong pagtiwalaan. May isa sa kanila na hindi totoo sa iyo. Ingat sa mga sikreto na maaaring mabunyag. Lucky color: Maroon, lucky number: 56.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – May isang pangyayaring makakagulo sa isip mo ngayon. Maaari ring madiskaril ang isang matagal mo ng plano. Agapan ang isang sitwasyon na maaaring magdulot ng malaking problema. Ingat sa pagsasalita. Lucky color: Gray, lucky number: 11.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Itodo na ang effort at ipakita ang kakayahan mo. Sa araw na ito, nasa iyo ang atensyon ng mga tao sa paligid. Maging magiliw sa pamilya dahil sila ang tanging maasahan sa oras ng kagipitan . Wag palagpasin ang oportunidad. Lucky color: Silver, lucky number: 34.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – May ilang tao sa paligid mo ang susubok sa iyong pasensya sa araw na ito. Pigilin ang galit. Iwasang mawalan ng kontrol sa iyong emosyon. Hindi makakatulong sa iyo ang sobran galit. Lucky color: White, lucky number: 15.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Kailangan mo ng balanse. Hindi puwedeng itodo ang trabaho. Magpahinga sa libreng oras. Hindi mo kailangang madaliin ang lahat. Wag mangamba dahil matutuloy ang iyong mga plano. Lucky color: Blue, lucky number: 30

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Magandang araw ito para sa lahat ng uri ng komunikasyon.. Marami ang naniniwala na parating na ang iyong tagumpay. Wag lang makalimot sa mga taong nakatulong sa iyo. Lucky color: Pink, lucky number: 17.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Gaano man kaabala, bigyan pa rin ng panahon ang pag-aalaga sa iyong sariling kalusugan. Makakapaghintay ang ibang gawain. Mahirap sagarin ang lakas na baka makasama sa kalusugan sa katagalan. Lucky color: Blue, lucky number: 38.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Napopokus ngayon ang iyong atensyon sa seryosong usapin sa trabaho. Samantalahin ang free time para lumabas at mamasyal. Mas kailangan mo ngayon patunayan ang iyong sarili sa gitna ng mga akusasyon laban sa iyo. Lucky color: Maroon, lucky number: 25.