Abante Tonite Interactive

Horoscope 8/23/2019

305

Nikki Gil
Kaarawan: Agosto 23, 1897

Kapag na-in love ang mga babaeng ­Virgo, takot­ sila sa ­umpisa. ­Hirap silang­ ­mag-express at pumasok sa ­relasyon. Gusto nila na ­pina-­pamper o pinagbubuhusan ng oras at pagmamahal. At saka lang nilamararamdaman na sila ay maganda at kaakit-akit sa opposite sex.

ARIES (­Marso 21-Abril 19) – ­Maraming kontra sa paligid pero wag kang paapekto. Makabubu­ting sarilinin muna ang mga importanteng ­plano para ­hindi ­madis­karil. May mga ­hindi ­magandang balak sa iyong likuran. ­Maging alerto. Lucky color: Blue, lucky ­number: 10

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – ­Mahirap para sa iyo ngayon ang ­magdesisyon dahil sa dinaramdam.
Wag ­magmadali. Pag-isipan munang ­mabuti ang mga isyu bago ka pumosisyon­. Mahala­gang pagpla­nu­­hang ­mabuti ang ­tagumpay. Lucky ­color: Yellow, lucky number: 22.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – May kalituhan ngayon dahil sa mga mali na nangyayari. May pag-aalinlangan ka rin kung nasa tamang direksyon ka. Wag pagdudahan ang mga hakbangin dahil alam moa ng mga ­bagay na makakabuti para sa iyo. Lucky color: Silver, lucky number: 25.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – ­Kailangan mong magdesisyon ngayon pero hindi ka sigurado kung alin ang pipiliin. May ibinubulong ang iyong puso. Ito ang pakinggan at sundin dahil ­hindi ka nito ipapahamak. Lucky color: Yellow, lucky number: 40.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – ­Mahirap para sa iyo ngayon ang pumanig. May makikitang ­pagbabago sa iyong ­sarili. Ipagpatuloy lang ang ginagawa. ­Kalma ­lamang at maaayos mo rin ang problema bago gumabi. Lucky color: Orange, lucky ­number: 10

VIRGO ­(Agosto 23-Setyembre 22) – Mahirap para sa iyo ngayon ang ­magreklamo. Bago ka pa lang sa ­trabaho. ­Makiramdam muna kung sadyang ito ang hinahanap mo o hindi. Isang pangyayari ang makikita na magpapabago sa iyong paniniwala. Lucky color: Green, lucky number: 7.

Related Posts

LIBRA ­(Setyembre 23-Oktubre 22) – May kalituhan ngayong araw na ito. ­Mahirap kang magpokus. Mas ­mabu­ting lumabas muna ng bahay at ­mamasyal. ­Lumayo muna sa mga bagay na nagpapa-stress sa iyo. ­Magpasahe para mahagod ang matitigas na kalamnan. Lucky color:­ Violet, lucky number: 50.

SCORPIO (Oktubre 23-­Nobyembre 21) – Mahirap para sa iyo ngayon ang ­maging ­organisado. Wala ka sa mood dahil­ sa ­dina­dalang­ ­problema. Magandang ­pagkakataon ito para sa ‘me time.’ Lucky ­color: Maroon, lucky number: 48.

SAGITTARIUS (­Nobyembre 22-­Disyembre ­ 21) – ­Matindi ang pokus mo ngayon. Wag ­palampasin ang isang ­importanteng imbitasyon.­ May konting takot at duda. Kumalma. Kailangan mong makalanghap ng sariwang hangin. Lucky color: Brown, lucky number: 33.

CAPRICORN (­Disyembre 22-Enero 19) – Kalmado lamang ang emosyon mo nga­yon. Kahit may mga taong tila pilit kang pinipikon, wag kang paapekto. Ituloy ang positive attitude at mas marami kang maa-achieve. Lucky ­color: Peach, lucky number: 19.

AQUARIUS ­(Enero 20-Pebrero 18) – Sumunod sa agos. Mahirap magmaganda kung wala kang makakapitan. Wala namang dahilan para malungkot ka at mangamba. ­Maraming dapat ipagpasa­lamat na blessing. Lucky color:­ White, lucky number: 36.

PISCES (­Pebrero 19-Marso 20) – ­Mataas ang iyong emosyon ngayon at ­madali kang magalit. ­Marahil may isang isyu na wala pang closure sa iyo. Ipagdasal ang isang tao na lalapita nang ­hindi ka bibiguin kaya’t manalig lang. Lucky color: Violet, lucky number: 9.