Abante Tonite Interactive

Horoscope 11/04/19

317

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Naghahanap ka ng taong magpapakita sa iyo ng espesyal na atensyon. Pero mas dapat mo munang mahalin ang sarili mo bago mag-demand sa iba. Lucky color: White, lucky number: 40.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – ‘Wag paapekto sa mga maliliit na pangyayari lamang. Mas tingnan at magpasalamat sa mga blessing na dumarating. Dip­lomasya pa rin ang dapat pairalin. Lucky color: Gray, lucky number: 9.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Mas maraming magagandang pangyayaring nagaganap kung bukas ka sa anumang posibilidad. May mga planong sadyang nakatakdang mabago. ‘Wag labanan ang nakatakdang kapalaran. Lucky color: Brown, lucky number: 3.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May pangangailangan kang matagal mo nang hindi tinutugunan. Maaaring ito ang pinagmumulan ng iyong pagkabalisa. Hindi sa lahat ng oras ay trabaho ang kailangang harapin. Pag-ukulan ng oras ang sarili. Lucky color: Violet, lucky number: 20.

Related Posts

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May mga hindi inaasahang moment na magpapa­kilig sa iyo. May potensyal din ang isang pagbibiyahe sa malayong lugar. Enjoy mo lamang ang mga pangyayari at ‘wag munang kumontra. Lucky color: Blue,lucky number: 40.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – May special moment pagdating sa romansa. Magiging mas matibay ang relasyon matapos ang pinagdaanang pagsubok. Sa mga single pa, namumuro ang bagong adventure sa pag-ibig. Lucky co­lor: Red, lucky number:4.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Maikli lang ang buhay kaya’t hangga’t kaya ay alisin ang mga pabigat sa iyo. Piliting maging masaya. Makipag-usap sa mga kaibigan para mapawi ang pagkabalisa. Lucky color: Maroon, lucky number: 11
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Nasa pakikipagkaibigan at mga bagong koneksyon ang sentro ng araw mo. Isang imbitasyon ang matatanggap at hindi mo ito dapat palagpasin. Maganda ang mood kaya’t samantalin ito. Lucky color: Yellow, lucky number: 40.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Magkakarelasyon sa isang taong may malakas na personalidad. Hindi mo ito malalabanan dahil sa malakas na atraksyon. Tignan mo muna kung may posibilidad para hindi mapasubo. Lucky color: Maroon, lucky number: 44.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Masyado mong nakakaligtaang tingnan ang mga maliliit na isyu sa iyong paligid. Kailangang magbago ng pokus para hindi ka malagpasan ng mga posibilidad. Lucky color: Violet, lucky number: 32.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) –Makakatanggap ka ngayon ng pagkilala mula sa pinagtatrabahuan. Malaki ang maitutulong nito sa iyo sa aspetong pinansyal. Isang plano na matagal nang pinag-iisipan ang magkakaroon ng katuparan. Lucky color: Orange, lucky number: 30.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Kung magpopokus ka lamang, kahit saang linya ay kaya mong mangibabaw. Huwag katakutan ang mga bagong oportunidad. Laban lang dahil wala kang hindi kakayanin dahil sa iyong lakas ng loob. Lucky color: Silver, lucky number: 8.