Abante Tonite Interactive

Horoscope 9/01/19

315

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Kasasabikan mo ang nalalapit na pagdating ng minamahal. Ipakita ang tunay na pananabik. Hayaan mo na lang ang maraming naiinggit. Lucky color: White, lucky number: 4.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Isang oportunidad ang kakatok sa iyong pintuan. ‘Wag nang magdalawang-isip dahil matagal mo na itong hinihintay. Seryosohin ang obligasyo para hindi masira ang pa­ngalan. Lucky color: Yellow, lucky number:51.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Wala kang masamang tinapay sa iba. Sadyang malapit ka lang sa opposite sex. May ibang tao lang na makakamisinterpret sa paraan mo ng pakikipagkaibigan. Lucky color: Orange, lucky number: 19.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Hindi aayon sa’yo ang kapalaran tungkol sa mga bagay na nais mong gawin Marami pang araw ang darating. Tiyempuhan ang good ti­ming para sa first major project. Lucky color: Green, lucky number: 40.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – May hadlang sa papasok na su­werte sa negosyo. Pero hindi ka dapat makampante. Dapat kang maging alisto sa mga taong makakasala­muha mo at magpapanggap na kaibigian. Lucky color: Blue, lucky number: 38.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Makakatanggap ka ng magagandang papuri. Dahil dito ay madaragdagan ang kumpiyansa mo sa sarili. Gagawin mo rin itong inspirasyon upang higit na maging mahusay sa trabaho. Lucky color: Maroon, lucky number: 12.

Related Posts

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Hindi masasayang ang iyong mga pinaghihirapan. Ang lahat ng ito ay mapapakinabangan mo at ng mga taong minamahal mo. Iwasan mo lang gumastos ng sobra sa budget. Lucky color: Orange, lucky number: 20.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Mabibingi ka sa katahimikan sa paligid. May tension na nangyayari sa iyong likuran. Ikaw ang maiiwan sa ere kaya sasamantalahin mo na lang ang iyong pahinga. Lucky color: Green, lucky number: 50.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Hindi ka magsisisi sa pagbibigay ng tulong sa isang malapit na kaanak. Makakaasa ka balik nitong pabor sa hinaharap. Mapapanatag ka na. Lucky color: Silver, lucky number: 40.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Ipursige ang mga binabalak. Punan ngayon ang mga pagkukulang mo sa iyong pamil­ya. Iplano mo ang lahat pero may bulilyaso pa rin sa bandang huli. Lucky color: Brown, lucky number: 29.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mahal mo ang tao na laging nasa tabi mo matagal na. Pero hindi mo mapipigilang pagdudahan ang damdamin. Kung nalilito, humingi ng payo sa malalapit na kaibigan. Kailangang malinawan ang iyong pusong nabubulagan. Lucky color: Gray, lucky number: 6.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Mahahalata mo ang pagkadisgusto sa’yo ng isang tao. Wala kang magagawa kundi iwasan ito. Hindi magandang patulan pa ang mga parinig. Manahimik na lang at magdasal. Lucky color: Orange, lucky number: 41.