Abante Tonite Interactive

Horoscope 10-02-2017

14

ARIES (March 21-April 19) – Isipin kung ano talaga ang importante sa iyo. May dapat pagsisihan bago muling manumbalik sa normal ang lahat.Ipakita sa kasama na seryoso na sa relasyon. Lucky  color: gold, lucky number: 11.

TAURUS (April 20-May 20) – Maraming nangyayari sa iyong likuran pero hindi lahat ay masama. May sopresang darating. Tumulong sa kapwa para lalong pagpalain.

GEMINI (May 21-June20) – Mag-focus sa work. Isantabi muna ang personal issue. Magpasalamat sa magandag dumarating sa career. Linisin ang kalat na naghahatid ng malas.

CANCER (June 21-July 22) – Gawin ang makakaya para maisalba ang naghihingalong career. Magkakaproblema sa isang kasama, doblehing ang pagtitimpi. Maging positivesa pananaw sa buhay.

LEO (July 23-August 22) – Maraming naghihintay  na suwerte para sa iyo, hintay lang. Matutupad ang planong paglalakbay at promosyon. Ayusin ang mga legal papers habang maaga pa.

VIRGO (August 23- September 22)- Pasyalan ang bagong kaibigan. May mabubuong magandang partnership. Love is in the air. Uminon ng maraming tubig para pawisan.

Related Posts

LIBRA (September 23- October 22) – Maraming gustong lumapit at magpatulong. Tumanggi nang maayos lalo na’t tungkol sa pera. Lalong magiging sweet ang pagsasama dahil sa pagiging tapat sa isa’t isa.

SCORPIO (October 23-November 21) – May ihahatid na magandang oportunidad ang pagbibiyahe. Maayos ang takbo ng buhay gayunman, mag-ingat sa paggasta nang sobra. Gantihan ng kabutihan ang nahinging pabor.

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Ipagkakatiwala sa iyo ang negosyo ng pamilya. Pagyamanin ang talento. May darating na pera, gamitin lang ito sa importante muna.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Walang ibang nasa isip kundi ang relasyon. May namumuong problema, agapan habang maaga para walang pagsisihan.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Magtrabaho nang maayos. Huwag intindihin ang sinasabi ng iba. Mapapansin ang galing na ikaseselos naman ng isang kasamahan. Kausapin ito nang mabuti para walang away.

PIECES (February 19-March 20) – Panindigan ang magandang ideya. Mag-celebrate kasama ng kasuyo. Tumingin sa ibang direksyon at baka may makitang maganda.