Abante Tonite Interactive

Horror movie ni Sharon inisnab ng kritiko?

622

Sina Rito Asilo, Oggs Cruz at Pablo Tariman, ang mga damdamin at saloobin tungkol sa bagong pelikula ni Jason Paul Laxamana ay isinulat na nila sa kanilang mga rebyu.

Ang tatlo, nagkakasundo na ito ang pinakamahusay na obra ni Laxamana.
Ang diva that you love, labis tuloy nagtataka, bakit para sa Erik Matti’s “Kuwaresma,” tila natatagalan bago nila isulat ang kanilang mga pakiwari tungkol sa kauna-unahang horror movie ni Sharon Cuneta?

Sa social media site kung saan miyembro ang inyong lingkod, pansin na pansin na walang masyadong kumukuda o humahanash tungkol sa movie. Walang bashing, Walang hating. Walang rant. Maski isa o dalawang rave.

Kung may pa-block screenings para rito, mula sa mga Sharonian o sa mga kaibigan ni Cunetang mga artista, parang walang balita.

Are these good signs para sa isang pelikula ni Sharon? Silence is my defense ang mga seasoned critics dahil sabi nga, if you have nothing good to say about something, just bite your tongue, shut your mouth and forever hold your piece?

Asan ang mga supposedly social media influencers na may kuda at hanash sa lahat ng mga bagay-bagay, bakit hindi sila nagkokomento at inilalako ang pelikula sa kanilang mga followers, iyan ay kung meron nga talagang social media influencers sa atin?

Ang mga artistang may major, major followers sa IG, Twitter, FB, YouTube, walang vlogs o paghihikayat man lang na panoorin at suportahan ang movie ni Ate Shawie?

Wala ring pralala kung gaano kalaki ang kinita nito? Kaya ba walang maisulat na kinita ay dahil sa tatlong pelikulang ipinalabas na isang linggo na ang nakakaraan?

Na kaya mas marami ang tumahimik, bilang respeto at pagmamahal kay Cuneta at pagsunod sa matandang kasabihang you don’t rub salt to a wound?

O wala na ang enerhiya at drive sa pagtalak, pamumuna at pagpuri dahil nga feeling bluer than blue pa ang karamihan sa hindi kabonggahang kaganapan sa mid-term eleksyon?

Thus, I cannot help but wonder, kung ang expectations versus reality ng “Kuwaresma” ay kagimbal-gimbal nga talaga, how does one reinvent and make Sharon Cuneta relevant to the millennial times? Kung the movie exceeded expectation and is slaying the box office, hindi ba dapat, pangmalakasan ang pagpapahayag tungkol dito?