Abante Tonite Interactive

Horscope 08/06/19

248

Gary Valenciano

Kaarawan: Agosto 6, 1964
Kilala ang mga lalaking Leo sa pagiging organisado. Gusto niya na laging nakaayos ang mga gamit at tapusin agad ang mga ginawa. Mahina lang ang kanilang pa­sensya lalo na kapag hindi nasusunod angkanilang mga gusto.Handa nilang gawin ang lahat para makuha ang kanilang mga pangarap.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Kung gusto mong masunod ang lahat ng mga plano mo, kailangan mo itong panindigan. ‘Wag papelan ang hindi mo responsibilidad. Dapat ikaw ang may hawak ng control sa relasyon kung gusto mo itong isalba. Lucky color: Blue, lucky number: 25.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Ibahagi ang iyong mga opinyon. Sabihin kung ano ang nasa isip at ‘wag mangiming ipakita ang iyong nararamdaman. Mas makakahinga ka kung masasabi mo ang lahat ng gusto mong sabihin. Lucky color: Orange, lucky number: 11.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Alam mo kung ano ang gusto ng puso mo pero iba naman ang sinasabi ng isip mo. Kailangan mo munang matutunan ang pakikisama. Mahirap mamuhay ang mag-isa at walang kasama. Lucky color: Silver, lucky number: 8.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Ang ina­akala mong walang kuwentang ideya ay mapapatunayan importante pala. Gamitin ang ideyang ito at nang malapagsan ang masalimuot na sitwasyon. Dagdagan ang pasensya sa kasuyong makulit. Lucky color: Green, lucky number: 50.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Hindi maiiwasan ngayon ang pakiramdam na tila, nakokorner ka sa dami ng restriksyon na kailangan mong sundin. Bago tuluyang masakal, isipin mo munang mas maraming benepisyo ang pagsunod kaysa pagkontra. Lucky color: Blue, lucky number: 44.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – May madramang epekto ang isang napakaliit na pagbabago sa isang nakasanayan. Sa kabila nito, walang dapat katakutan. Gawin lang ang tama at dapat. Lucky color: Pink, lucky number: 21.

Related Posts

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Nasa harapan mo na ang lahat nang hinahangad mo sa buhay. Kahit may suportang ipinapakita ang mga kaibi­gan mo, pakiramdam mo ay nag-iisa ka pa rin. ‘Wag nang patagalin ang pag-aksyon. Mas mapapabuti kung magiging maagap. Lucky color: Maroon, lucky number: 50.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Iwasan sa araw na ito ang pagiging impulsive at padalos-dalos. Sa bawat hakbang na gagawin, isi­pin munang mabuti kung ito ang direksyon na tunay mong gusto. ‘Wag itago ang matatamis na ngiti. Lucky color: Red, lucky number: 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Iisang tao lamang ang dapat mong pasayahin ngayon at ito’y walang ibang kundi sa­rili mo. Sa halip na magpokus sa kagustuhan ng iba, bigyan mo muna ng panahon ang iyong sarili. Lucky color: Brown, lucky number: 31.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Gusto mong makontrol ang isang sitwasyon para bigyan ng proteksyon ang sarili mo. Pero ito rin ang naglalagay ng limitasyon sa iyo. Mas makabubuting makiayon na lamang muna sa mga nangyayar iat saka na mag-react. Lucky color: Maroon, lucky number: 2.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Sa araw na ito, higit na mahalaga ang team work. ‘Wag munang magsarili dahil hindi mo kakayanin ang lahat. Kailangan mo ngayon ang gabay ng iyong magulang. Lucky color: Brown, lucky number: 41.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Minsan, mas madaling makiayon kaysa kumontra. Su­balit sa pagkakataong ito, kailngan mong pumanig sa tama. Hindi na uubra ang dating ginagawa na makakaapekto sa reputasyon. Lucky color: Black, lucky number: 29.