Abante Tonite Interactive

Horses In: ATM

By
9

Isang success story itong kabayo ng horse ow­ner na si Rodolfo “Bok” Sanguyo na si Kaluguran (Keep Laughing – Blue Lace Dress).

Sa murang halagang P200,000 niya nabili sa dating may-ari ang kabayo noong 2014 at inaruga kasama ang kanyang mga trusted na sota.

Una nilang itinakbo ito sa ilalim ng kanyang pangalan noong Disyembre 2014 at nagulat sila nang sumunod na buwan ng Enero ay nagpanalo kaagad. Ngayon, para na raw siyang may ATM sa kabayong ito dahil meron na itong kabuuang 12 panalo, 7 segundo, 3 tersero, at 4 quarto.

May karapatang matuwa ang isang katulad ni Bok Sanguyo kung ganito ang makukuha mong mga panakbo at investment sa karera.

   ***

Maraming dumalong OTB operators o mga representatives sa KASAPI General Assembly kahapon kaya natutuwa si president Nicson Cruz.

Mahalagang isyu tungkol sa Sabong Online Betting ang sentro ng usapan kaya kinulang ang 2 oras sa palitan ng kuru-kuro at impormasyon sa  mga miyembro ng KASAPI.

Ipinaalala lang ni Nicson Cruz na ni minsan ay hindi nila pinigilan ang kanilang mga miyembro na huwag maglagay ng Sabong Online Betting.  Ang kanilang itinatanong lang sa Philracom at GAB, ay kung ito ay legal.

“Ang GAB kasi ang nagbibigay sa amin ng permit na mag-operate ng mga OTB habang may paki­alam naman ang Philracom sa mga nangyayari sa mga OTBs dahil extension ito ng karerahan kaya sila ang nilapitan namin para maliwanagan ang a­ming mga miyembro sa isyung ito,” dagdag ni Cruz.

***

Panauhin kahapon sa Samahang Plaridel Kapihan sa Manila Hotel sina Quezon Cong. Mark Enverga ng Nationalist People’s Coalition at si Atty. Jing Panganiban-Mendoza na kapwa spokespersons ng NPC at ni Sen. Grace Poe.

Maganda ang balitaktakan at nasentro sa tumatakbong presidente ng Pilipinas na si Sen. Grace dahil nakarating yung iba pang mga inaasahang panauhin.

Kahit na yung ibang issues ay rehash nang maituturing ay sinagot pa rin ng dalawa ang mga tanong na ibinato ng mga mamamahayag na dumalo sa Kapihan sa Maynila.