Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hospicio pinasok ng COVID, nagpasaklolo

0 200

Nananawagan ngayon ng tulong ang pamunuan ng isang bahay-ampunan sa Quiapo, Maynila para sa daan-daang indibidwal na kanilang kinakalinga matapos na i-lockdown ito nang magpositibo sa COVID-19 ang 14 na kawani at apat na matanda.

Nabatid pa na isa sa apat na matanda ang pumanaw na kamakailan.

Isinasailalim na lahat ng kawani sa swab test at hindi sila pinapayagang makalabas ng Hospicio de San Jose na matatagpuan sa Isla Convalecencia sa Ayala Bridge.

Kaya nangangamba ang mga madre ng Sisters of the Daughters of Charity na siyang nangangasiwa sa bahay-ampunan, na magkaroon ng kakulangan sa suplay ng pagkain para sa 450 bata at matatanda na kanilang kinakalinga. (Juliet deloza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.