Abante Tonite Interactive

Hospital arrest bawal na

By
16

Simula sa unang araw ng 2018 ang buwanang kontribusyon ng mga miyembro ng PhilHealth ay tataas.

Depende kung magkano ang kinikita ng isang miyembro ang buwanang hulog ay tataas ng 2.75 percent.

Ang kumikita ng sampung libong piso pababa ay mababayad ng P275.
Ang pinakamataas­ na babayarang premium­ kada buwan ay P550 kada buwan.

Sa malaki ang kita hindi ito gaanong mara­ramdaman, subalit sa mga arawan lamang, tiyak may epekto sa kanila.

Kung sa dating P100 kada buwan o P400 kada quarter o P1,200 sa kabuuang taon ay may pumapalya pa ring miyembro na magbayad, paano ngayon kung ang premium ay tataas pa?

***

Samantala, papasok­ na ang Senado, mag-iimbestiga sa kontro­bersiyal na ‘anti-dengue program’ ng nagdaang administrasyon.

Sentro ng imbestigasyon ang tatlo punto­ limang bilyong pisong (P3.5B) pondo, na ibinayad ng gobyerno ng Pilipinas sa Sanofi Pasteur na naka-base sa Pransiya.

Inamin ng Sanofi na ang Dengvaxia ay epek­tibo sa mga tinamaan na ng dengue, subalit sa mga naturukan ng bakuna na hindi pa nagka-dengue, may seryoso itong epekto.

Sa pahayag na ito ng Sanofi, naalarma ang health sector. Agad ipi­nag-utos ng DOH ang pagsuspendi sa kampanya ng gobyerno kontra dengue gamit ang Dengvaxia.

Magiging abala ang Senado sa mga unang­ araw ng 2018 ang ‘reklamong impeachment’ laban kay CJ Ma Lourdes Sereno kung lulusot sa Kamara at ang kontrobersiyal na Dengvaxia vaccine.

Kapwa may epekto ito sa kalusugan ng bansa at ng mga Filipino.

***

Tatablahin na ng Department of Justice ang anumang kahilingan ng mga bilanggo na magpa-hospital arrest.

Ayon sa DOJ, naabuso ang sistemang ito dapat lang itigil na. Kung gusto raw ng mga inmate na manatiling nakakulong sa hospital, dapat doon sa mga pa­silidad na kontrolado ng Bureau of Corrections at ng DILG.

Masunod kaya ito?

Ilang araw makalipas ideklara ni PDu30 ang pagkalas sa usapang pang­kapayapaan sa mga rebeldeng komunista, nagkaroon kaagad ng banatan sa pagitan ng puwersa ng gobyerno at mga rebelde.

Naganap ito sa iba’t ibang panig ng bansa.­ Ang malinaw lamang sa bawat engkuwentro at bakbakan, may nasusuga­tan at namamatay. Mga Filipino ito.

Sa ngalan ng demokrasya tungkulin ng sundalo na ipagtanggol ang Republika. Sa ngalan din ng demokrasya, nanumpa ang mga rebeldeng komunista na magbuwis ng buhay para sa inang bayan.

Ang buwan ng Dis­yembre ay mahalaga kapwa sa Armed Forces­ of the Philippines at New People’s Army. Ito ang buwan ng kanilang pagkakatatag.

Ang Armed Forces of the Philippines, December 21. Ang New People’s Army naman ay December 26.