Abante Tonite Interactive

Hospital, hotel hotline bagsak sa PLDT-MVP

524

Inulan ng reklamo ang telecommunications giant na Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT) ni Mannny V. Pa­ngilinan matapos na hindi umano masolusyunan ang reklamo ng kanilang mga customer na mas pinili nang isapubliko ang mga hinaing dahil hindi natutuwa sa customer service ng nasabing telco company.

Nag-ugat ito sa serye ng tweet ni @pinoymommy noong Enero 25 kung saan nireklamo niya ang walong linya sa kanilang ospital at hotel na hindi gumagana sa nagdaang apat na araw.

Nainis ang netizen matapos na tanungin pa ng mga dagdag na impormasyon gayong nabi­gay na nito ang billing details ng walong numero.

“YOU’RE ASKING ME FOR ADDITIONAL INFO TO VERIFY IF THE ACCOUNTS ARE LEGIT!! ­NYETA, WOULD I BE ABLE TO GIVE YOU ALL 8 BIL­LINGS IF I DIDN’T HAVE THEM?!? SA TINDI NG PROBLEMANG BINIGAY NINYO SA AMIN, MAIISIP KO PA BANG MANLOKO?!?” ayon sa netizen.

Saad pa nito, nais niyang pumasok na ang Dito Telecommunity, ang ikatlong telco sa ‘Pinas, para umano matigil na ang pang-aabuso ng PLDT.

Kinaasar din nito dahil ospital ang natamaan ng hindi magandang serbisyo ng PLDT, na saad pa ng isang netizen ay kailangan ngayong may matibay na linya ng komunikasyon dahil sa banta ng novel coronavirus.
“Did you say hospital? Downed phone lines while the threat of coronavirus lurks?” ayon kay @turovalencia.

“ISA SA MGA AFFECTED NITO IS OUR HOSPITAL!! PAANO KUNG KELANGAN NILA KAMI MACONTACT IN AN EMERGENCY?!? NAIISIP NA NINYO YUN?!?!? MGA WALA KAYONG CONSENSYA!!” segunda naman ni @pinoymommy.

Kaya naman hinimok nito na ibahagi rin ng ibang PLDT customer ang kanilang mga masasamang karanasan sa telco para mapatunayan na hindi umano isolated incident ang kanyang kaso.

At dito na bumuhos ang reklamo sa telecommunications company, mula sa copy paste na rep­ly sa kanilang mga message, pati na rin sa mga nasisirang linya na matagal din bago maibalik.

Ngunit karamihan sa horror experience tungkol sa PLDT ay ang hindi umano pagbibigay ng specific na date kung kailan mai­babalik ang kanilang serbisyo. (Ray Mark Pat­riarca)