Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Hospital Playlist’ walang season 3

0 87

Nag-finale episode na ang season 2 ng K-drama na ‘Hospital Playlist’ noong Huwebes. Isa ito sa maituturing na successful K-drama na palabas din sa Netflix.

Ang Hospital Playlist ay pinagbibidahan nina ina Jo Jung Suk, Yoo Yeon Seok, Jung Kyung Ho, Kim Dae Myung, at Jeon Mi Do. Nagsimula ang unang season nito noong March 2020 at ang second season noong June 2021.

Dahil sa dami ng nagkagusto at na-attach sa mga character, halos lahat yata ay umaasang magkakaroon pa rin ng season 3.

Kaya mababasa sa mga comment mula sa iba’t-ibang bansa ang pagkadismaya at lungkot na hindi na pala ito mangyayari.

Naglabas na kasi ng statement ang production .Sa kabila man ng success ng drama at demands for season 3, sa ngayon ay hanggang season 2 muna raw talaga ito magtatapos.

Ayon sa isang representative ng tvN, naglabas ito ng statement na,” “tvN’s Thursday drama ‘Hospital Playlist’ will end all seasons with Season 2.

“All of the production team and cast members have the definite will to unite if a new season is planned someday, but as of now, there are no specific plans.”

Nagbigay rin ng pahayag ang director ng drama na si Shon Won Ho noong magkaroon ng Hospital Playslist S2 press conference. Ayon dito, “The original plan was to air in the same season across three years, but I told [the actors] that they are not tied up for the next season and that they should freely take on other projects. I said if we happen to return later on, we can do it then. There are no specific plans for Season 3 right now.”

Sa isang banda, ang Hospital Playlist S2 finale naman ang nakapagtala ng pinakamataas na ratings sa buong season, across all platforms.

Leave A Reply

Your email address will not be published.