Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hostage-taker ni doc, COVID positive

0 268

Positibo sa COVID-19 ang pasyenteng nang-hostage ng doktor sa emergency room ng East Avenue Medical Center noong Miyerkoles ng madaling-araw.

Ito ang kinumpirma ni Quezon City Police District (QCPD) Director Police Brig. Gen. Ronnie Montejo, matapos lumabas ang resulta ng swab test ng suspek na si Hilarion Achondo, isang security guard na napag-alamang positibo sa nasabing sakit.

Ayon sa pulis mananatili sa pagamutan si Achondo habang naka-quarantine naman ang 10 pulis na rumesponde noon.

Maaalalang dinala ang 51-anyos na suspek sa emergency room ng ospital para lapatan ng lunas matapos magtamo ng sugat mula sa isang motorcycle accident nang bigla itong mang-hostage ng doktor. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.