Abante Tonite Interactive

Hosts & staff ng ‘Pinasaya’ magliliwaliw sa Japan

By
15

AUGUST 9 last year nagsimulang umere ang Sunday PINASaya na produced ng APT Entertainment para sa GMA.

Bale isang taon nang namamayagpag sa ere ang Sunday comedy ­variety show na kumabog sa institusyon nang ASAP ng ABS-CBN.

Medyo mauurong on a later date ang bonggang first anniversary celebration ng SPS, pero nagbigay na ng dinner treat ang big boss na si Mr. Tony Tuviera sa mga host at ilang staff ng show.

At bilang ­pasasalamat ay iti-treat sila ni Mr. T sa Japan. Dapat sana ay sa September ‘yon pero ang dinig namin ay mauurong ‘yon ng October.

Si Marian Rivera-Dantes kasi ay lilipad pa-Amerika sa September.

For sure, ayaw ma-miss ni Yanyan ang Japan trip ng SPS family niya kaya dapat join din siya.

Ang saya nu’n kung kasama rin sa Japan sina Ai Ai delas Alas, Jose Manalo, Wally Bayola, Jerald Napoles at Barbie Forteza.

Sunday Pinasay
Sunday Pinasay

Sa Ynares Center sa Antipolo gaganapin ang pasabog na anniversary show ng SPS na wala pang exact date.

May show sa New York ang katapat nilang ASAP sa September 3.

Hindi kami magtataka kung medyo iurong pa ng Sunday PINASaya ang selebrasyon nila at itapat nila rito.

Masayang Sunday salpukan ‘yon kapag nag­kataon. Isang nasa New York City at isang nasa Antipolo City.

Alin kaya ang mas mangangabog sa ­ratings?!

PAK! GANERN!!