Abante Tonite Interactive

Hot water please!

1,544

Marami na tayong nababasa tungkol sa hatid na benepisyo ng pag-inom ng hot water na may kasamang lemon, pero hindi ang pag-inom ng mainit na tubig lang?

hot waterAyon sa matandang Chinese at Indian culture, ang pag-inom ng mainit na tubig sa umaga ay maganda para sa digestive system. Pero huwag naman ang sobrang init, mas mabuti ang saktong temperatura para hindi masira ang mga selyula sa bibig at lalamunan.

Hindi nakakabawas ng timbang ang pag-inom ng hot water, bagkus tumutulong ito sa proseso. Inire­rekomenda ng mga nutritionist na uminom ng hot water with lemon para sumipa agad ang meta­bolism, mas mabilis mag- burn ng calories sa buong araw. “Drinking hot water also clears out your intestines to prevent bloating in your body, thus getting rid of excess water weight you may be carrying,” sabi pa. Narito ang ilan pang health benefits ng pag-inom ng hot water:

*Mabisang panlaban sa sipon. Tumutulong ito para malabanan ang sintomas ng respiratory tract infection. Mabilis umanong pinaluluwag ng hot water ang pagbabara sa ilong kaysa sa pag-­inom ng malamig na tubig. “The temperature of fluids we drink may possibly make a difference in the way we manage and deal with certain upper respiratory infection symptoms,” sabi pa ni Dr. Okeke-Igbokwe.

*Mas friendly sa ngi­pin kaysa sa cold water. Si­guraduhin lang na hindi sobrang init ang iniinom na tubig.

*Ang pag-inom ng hot water ay may ‘vasodilator effect’, ibig sabihin ay pinaluluwag nito ang blood vessels para sa maayos na daloy ng dugo patungo sa intestine na tumulong sa digestive process. “Drinking it on an empty sto­mach in the morning speeds right through your digestive system to the bowels where it is needed,” ayon sa isang cardiologist.

*Hindi dito natatapos ang maraming benepisyo ng warm water. May mabilis itong hydrating effect lalo na pagkatapos kumain dahil tinutunaw nito ang mga taba para mas madaling ma-digest.

*Pinatataas nito ang body temperature para sa istimulasyon ng pawis na isang paraan para maalis ang mga body to­xins. Kapag uminom ng mali­gamgam na tubig na may lemon, nababalanse ang acidic food na kinakain. Kung ayaw ninyo ng le­mon, subukan ang green tee na pinapababa ang free radical activity ng katawan.

*Pinare-relax ang muscle at tumutulong para sa anumang klase ng pain, mula sa sakit sa kasu-kasuan hanggang sa menstrual cramps. Ang pag-inom ng hot water bago matulog ay naka­tutulong para sa mahim­bing na pagtulog. Hindi ka na gugutumin at feeling rejuvenated pagkagising.

*Madalas na sanhi ng constipation o hirap sa pagdumi ang kakulangan ng tubig sa katawan. Ugaliing uminom ng tubig pagkagi­sing (bago kumain) para umayos ang bowel movements. “The eleva­ted temperature stimulates the intestinal peristalsis and helps with sluggish bowel movements and constipation,” paliwagan ng isang doktor. Kung kaya, mas mabuti sa katawan kung warm water na ang iinumin sa buong araw.