Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hotdog ni Paulo bida sa pelikula

0 139

MILDRED A. BACUD:Nagsimula na nga nitong Pasko ang MMFF. Kalahok ang mga pelikulang The Boy Foretold By The Stars”, “Pakboys: Takusa,” “Magikland,” “Tagpuan,” “Suarez: The Healing Priest,” “Isa Pang Bahaghari” “Coming Home.” Atbp.

First time in the history na sa online streaming siya mapapanood via Upstream dahil sa kagagawan ng pandemya.

Pero may mga kapalpakan pa rin ang MMDA. Nakaramdam ang movie press ng kawalan ng importansya sa mga bumubuo nito dahil sa hindi pagbigay ng season pass this year. Nu’ng mga nakaraang taon kahit limitado lang ay nabibigyan pa rin. Mahal rin naman ang bayad online.250 is 250 at panahon ng pandemya di ba mga ka- Cuatros?

Iba talaga ang FDCP magpahalaga sa atin. Ramdam na ramdam at may sistema. Mataas ang respeto nila sa press people na kino-consider nilang malaking tulong sa promo ng kanilang events, lalo na nitong nakaraan Pista Ng Pelikulang Pilipino na pinadalan tayo lahat mg access para mapanood ang mga pelikulang kalahok.

Anyway, goodluck pa rin sa mga pelikulang kasali. Pipilitin pa rin naming manood nito kahit magbayad.’Yun lang pili lang dahil kailangan din magtipid sa mga panahong ito.
ROMMEL PLACENTE:Marami talaga ang naloka sa MMDA na nasa likod ng taunang MMFF. Hindi nila binibigyan ng importansya ang press ka-Cuatros na Mildred.Anyway, sa sampung pelikulang naglalaban-laban sa paramihan ng benta ng ticket,ang pagkakaalam namin na nangunguna, ay ang pelikula ni Paulo Avelino .Yun ay sa dahilang may isang eksena rito na kita ang ari ni Paulo habang umiihi .Naku ‘yung mga bading siguradong manonood ng pelikula makita lang ang kargada ng aktor. Sigurado talaga na mas marami ang manonood nito. Nag-viral na nga ang eksenang ‘yun ni Paulo. Malaking tulong talaga ang nota ng aktor sa pelikula.Na ang sinasabi tuloy ng marami ay ang hotdog ni Paulo ang bida sa pelikula at hindi si Charlie Dizon.

FDCP kinabog ang MMFF

RODEL FERNANDO: Organisado talaga ang FDCP sa pamumuno ni Liza Dino Seguerra. Mula sa pagpili ng entries, nominees at winners ay hindi pa nakuwestiyon ang kanilang Pista ng Pelikulang Pilipino. Hindi sila nagpapakontrobersiyal .
Isa pa sa kahanga-hanga sa FDCP ay ang magandang pagtingin nila sa entertainment press at bloggers. Wala silang sinisino at kung puwede nga lang pagbigyan lahat ay gagawin nila.

Naisip namin na sana balang araw ay FDCP na ang humawak sa MMFF. Huwag na ‘yung mga hindi taga -industriya.
Ewan ko ba bakit ganyan ngayon ang film festival na ito?Palaging may isyu at laging may kontrobersiyal mula sa pagpili ng entries, nominees at winners.

Anyway, speaking of MMFF, base sa nakalap naming balita ay isa sa mga pinapanood na pelikula ang “Isa Pang Bahaghari” ni Nora Aunor. Hindi man siya nasa mataas na posisyon pero masaya raw ang producer na si Harlene Bautista sa performance nito sa box office. Ramdam daw ang suporta ng Noranians sa pelikula niya na niligwak sa nominasyon bilang Best Picture.
ROLDAN CASTRO: Saludo ako sa FDCP at kay Chairman Liza Dino dahil hindi pinapabayaa. ang media. Walang pinipili sa Pista ng Pelikulang Pilipino pagdating sa passes. Marunong magpasalamat sa mga naitutulong ng press sa filmfest. Nagkaroon din siya ng DEAR PRESS bilang ayuda nu’ng lockdown.Hindi gaya ng MMFF na hindi effective ang PR.
How true TOP 35 lang daw ang binigyan ng season pass?
Ganern?

Leave A Reply

Your email address will not be published.