Abante Tonite Interactive

Hotel guest sa Makati nalunod

342

By Armida Rico

Isang 8-anyos na kabilang sa guest ng isang hotel sa Makati City ang nasawi nang malunod umano ito sa swimming pool kamakalawa nang gabi.

Binawian ng buhay sa Makati Medical Center ang biktimang si Patricia Ghail Del Castillo y Antonio, 8, nakatira sa Barangay Lapaz, Makati City.

Abante Hiring – IT dep

Sa inisyal na ulat ni Police Colonel Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, alas-9:26 ng gabi nang maganap ang insidente sa Jade Hotel and Suites sa Pasong Tamo, Brgy. La Paz.

Lumalabas sa report na ang biktima at ang kanyang pamilya ay pawang guest sa naturang hotel.

Naliligo sa pool ng hotel ang biktima nang bigla umanong malunod kaya dali-daling sinagip ng isang hotel guest na si Cristina Carreon at binigyan ng paunang lunas bago dinala ng kanyang pamilya sa nasabing pagamutan subalit nalagutan ng hininga bandang alas-9:47 nang gabi.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring insidente at sisilipin din nila ang nakalagay na close circuit television (CCTV) camera para sa karagdagang imbestigasyon.