Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hotel sa Pasay City nagliyab

0 84

Masusi pa ngayong inaalam ng Bureau of Fire Protections (BFP) ang sanhi ng naganap na sunog sa isang hotel sa lungsod ng Pasay kamakalawa ng gabi.

Sa report, nangyari ang sunog pasado alas-9:00 Biyernes ng gabi sa ikalimang palapag ng Hotel Okura sa Newport, Pasay City.

Mabilis namang naapula ng mga rumespondeng bumbero ang apoy kung saan wala ring naitalang anumang nasugatan sa nasabing insidente.

Sinabi ng mga staff sa nabanggit na hotel na bago pa kumalat ang apoy ay mabilis na nilang nabisuhan at napalabas ang kanilang mga kostumer.

Leave A Reply

Your email address will not be published.