Abante Tonite Interactive

‘House arrest’ kina Vico, Digong, Maricel, Nora

11,091

ROMMEL PLACENTE: Nagdeklarasi Pangulong Rodrigo Duterte ng enhanced community quarantine sa buong Luzon. Ibig sabihin, bawal na tayong lumabas ng kaniya-kanyang tahanan .

So para na tayong housemate sa Pinoy Big Brother house, ‘di ba? Team Bahay ang tawag ngayon sa atin. Pagbibirong tawag ng iba ay ‘house arrest’.

May tanong ako sa atin mga ka-Cuatros, given a chance, at papipilin tayo kung sinong artista o personalidad ang gusto nating makasama sa ating bahay? Sino ang bet natin kasama sa ‘house arrest’

Ako siyempre ay si Maricel Soriano. Siya ang hinahangaan kong artista hanggang . Ang sarap sa feeling kasi na makakasama mo sa loob ng isang buwan ang idolo mo, ‘di ba? ‘Yung dating pinapanood mo lang sa telebisyon at pelikula ay housemate mo na.At du’n ko malalaman kung totoong naliligo siya ng gatas gaya ng sabi sa akin ng isang kasama sa panulat. ‘Yun daw ang secret kaya ganun siya kakinis at kaputi.

Itatanong ko rin kay Inay Maria kung may galit ba siya sa dating bf na si William Martinez.

Sa guesting niya kasi noon sa TWBA,sa segment ng show na Fast Talk, pinapili siya ni kuya Boy between William and Albert Martinez. Ang sagot niya ay si Albert.

Nagulat ako ba’t ang nakatatandang kapatid ni William ang pinili niya.

Ang expected ko na isasagot niya ay ang dating minamahal.So, may alitan nga kaya o tampuhan sila?

RODEL FERNANDO: Of course meron pa bang iba? Ngayong naka-quaraantine tayo gusto ko makasama sa bahay siyempre ang n ag-iisang Superstar na si Nora Aunor. Gusto ko ipagluto si Ate Guy.

Tutal sabi niya ay anak na rin ang turing niya sa akin kaya sasamahan ko siya. Siyempre, sa edad niya ngayon ay kailangan talaga na may mag-alaga sa kanya para lalo siyang lumakas.

Hay naku mga ka-Cuatros, sa tuwing naaalala ko mga pinagdaanan ni Ate Guy na mga intriga ay napapahanga niya pa rin ako. Nalagpasan niya kasi lahat kahit yurakan pa ang buo niyang pagkatao ay nananatili siyang matatag.

Nora Aunor is Nora nga talaga!. Ngayong dumadaan tayo sa krisis ay hindi pa rin siya pinalalampas ng intriga. Pero ang maganda kay Mama Guy, laitin man siya at sabihan ng masasama pero kabutihan pa rin ang isusukli niya. Sa mga nangungumusta pala sa kanya, okey naman siya at isa sa mga gusto niyang ginagawa ay pag-aayos ng bahay.

Sa true lang, hindi nakapagtapos ng kursong interior designer si Nora pero ang husay niya sa pagde-design at pagpapaganda ng bahay. Sa tuwing dumadalaw nga ako sa kanyang tahanan ay napapa-wow ako sa kalinisan at ang bango pa.

MILDRED BACUD: Ako ang gusto kong makasama ay ang man of the hour ngayon na si Pasig Mayor Vico Sotto. Ang ugali raw kasi ng tao mas makikilala mo kapag nakasama mo sa isang bahay.

Parang tayo ka- Cuatros na Rommel Placente na tumira together ng halos isang taon sa isang bahay. Kaya naman higit sa magkaibigan kundi magkapatid ang turingan natin. Gusto kong mas makilala si Mayor sa loob ng bahay. One’s character starts at home daw kasi.

Paano kaya siya sa bahay? Maaga ba siyang gumising? Napakasipag naman kasi sa Pasig at maagang nagtatrabaho. Paano ba siya makitungo sa mga kasama sa bahay? Grabe kasi ang pagmamahal niya sa mga constituents niya. Sistemado ba siya maging sa bahay tulad ng ginagawa niya sa nasasakupan sa Pasig na may pa mobile kitchen pa dahil sa banta ng COVID-19.

Sa loob ng bahay gaano ba siya kasimple? Tulad din lang ba kung anong nakikita nating kasimplehan sa pamumuno niya? Interesting di ba?

Naku I’m sure ka-Cuatros alam ko kung ano ang gusto niyong malaman kay Mayor pag nasa loob ng bahay, yung suot niya pag natutulog.

Kidding aside, gusto kong malaman kay Mayor nagka-girlfriend ba siya at kung wala ano ang ideal girl para sa standard niya.

RONA RONDA: Betko maging housemate si Pangulong Duterte. Tapos sabay kami manonood ng balita para maitanong ko lahat ng tanong ng ordinaryong mamamayan.

Tapos isang buwan kaming kakain ng puro sardinas at noodles, hiwalay pa ang fasting diyan kasi sapat lang ang budget sa bahay.

Kapag buryong naman kami, tuturuan ko siyang mag-TikTok.

Tonite – Wendys Inhouse Ad