Abante Tonite
Mabilis sa Balita

House to house ayuda sa 45k pamilya sa San Juan umarangkada

0 149

Sinimulan na sa San Juan City ang pamamahagi ng ika-15th wave ng food packs para sa maagang pamasko sa mga residente ng 21 barangay.

Naglalaman ng bigas, spaghetti packs, canned goods at iba pang grocery items ang laman ng food packs na pinagtulungang balutin ng mga kawani ng cityhall at BFP staff na nakahandang maipamahagi sa may 45,000 pamilya, mahirap man o mayaman bilang handog sa lahat ng mga residente ng San Juan.

“This is the local government’s Christmas gift to our constituents. We want to make them happy and feel the Christmas spirit despite the pandemic dampening the mood of this year’s Christmas season,. Nasa dugo na ng mga Pilipino ang Pasko kaya sisiguruhin kong may pagkain sa hapag ng mga San Juaneño sa araw ng kapanganakan ni Hesus,” ayon kay Mayor Francis Zamora.

SM food to go Banner Ad

Sa pamamahagi ng Pamaskong handog ay hinihikayat ang mga residente sa bawat bahay-bahay na maglabas ng upuan upang doon ilalagay ang nakalaan para sa kanila upang maiwasan ang sakit at mabigyan ng proteksyon ang lahat ng naatasang mamahagi para makaiwas sa coronavirus disease (Covid-19).

Sa unang bugso ng pamamahagi ng food packs ay mabibigyan ang mga residente ng Barangay Corazon de Jesus , Pasadena, Salapan, at Progreso at susunod naman ang apat pang barangay hanggang matapos ang 21.

Samantala, nakapagtala na ang San Juan City ng 60 active cases na lamang mula sa 640 na bilang ng nagkasakit ng Covid-19. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.