Abante Tonite
Mabilis sa Balita

House tour delikado sa mga artista

0 101

MILDRED BACUD:Dahil halos lahat na ng artista ay nagba-vlog kadalasan pinapakita ng mga ito ang kanilang bahay, house tour ika nga. Isa sa mga magagandang bahay na napanood ko sa Youtube ay kay Xian Lim sa Antipolo.

Nakakagulat na kamakailan lamang ay nilooban pala ito at marami ang nanakaw na kagamitan.Nalimas lahat ng TV, computers at marami pang iba. Naiwan pa ang dos por dos na kahoy na may mga pako na malamang ginamit sa pagbasak ng mga salamin sa bintana. Ang nakatakot ay naiwan ang isang itim na damit ng suspect.Late na nga raw pinost ni Xian ang pangyayari dahil nawindang talaga siya.Kasama ng aktor ang ina, lolo at lola sa naturang bahay na buti na lamang ay ligtas lahat.

Kaya naman mga ka-Cuatros, may mga katanungan na takaw mata ba sa mga magnanakaw ang pagba-vlog ng mga artista ng kanilang properties?Kung sa bagay kung magnanakaw magnanakaw talaga.Kahit nga ang mga alalay o PA ng artista nagagawang pagnakawan ang mga amo nila.

ROMMEL PLACENTE: Sa panahon ngayon na mahirap ang buhay,ang hirap magtiwala pagdating sa pera. Gaya ni Jinkee Pacquiao na ninakawan umano ng malaking pera at alahas ng kanyang Personal Assistant (PA).Mabuti na lang at mabait ang mag -asawa,hindi nila ito kinasuhan at pinalayas na lang.

Si Sunshine Dizon,nakarating din sa amin na ninakawan umano ng kanilang kasambahay.Nu’ng umalis raw ng bahay ang aktres para sa isang showbiz commitment ay dun nangyari ang pagnanakaw.Nakita pa raw ng security guard ng condo na tinitirhan ng aktres nung umalis ang kasambahay na maraming bitbit. Nakita rin ito sa CCTV.Dedma lang ang sekyo,hindi sinita.Ang akala lang kasi ay uuwi ito ng probinsya kaya maraming bitbit na gamit. Only to find out na mga mamahaling gamit pala ito ni Sunshine.

RODEL FERNANDO: Naku,mga ka-Cuatros isa sa mga naging biktima ng pagnanakaw ay ang Superstar na si Nora Aunor. May naging sekretarya kasi siya dati na hindi lamang siya ninakawan ng pera, dinadaya pa siya sa report ng pumapasok na pera ng aktres. Nangyari ito noong panahong nagpoprodyus pa ng pelikula si Ate Guy.

SM food to go Banner Ad

Pero sa kabila ng pangyayari ay pinatawad ito ni Nora kaya lang inalis na lang ito sa trabaho. Bukod dito may isa rin naging alalay ang aktres na ang mamahaling alahas naman ang tinangay. As in nagkakahalaga ng milyon ang nakulimbat ng dating PA niya noon. Sa panahong ito, milyun-milyon na at napakalaki ng halaga na for sure ng mga alahas na yun.

Anyway, marami pang ganitong nangyari sa aktres lalo na nung panahon na sobrang busy niya. Pati ang pirma niya sa mga agreement at kontrata ay dinadaya ang pirma niya. Naloka nga siya na karamihan sa properties niya sa Iriga ay wala na sa pangalan niya. Buti na lang may mga natira pa at ang iba ay nahabol niya.

ROLDAN CASTRO: Sa panahong ito mahirap idisplay sa social media ang mga gamit.Pati na rin ang laman ng iyong bahay.
Nagkalat ang mga masasamang loob na posibleng planuhin kung paano maaakyt ang bahay mo.

Kailangan talaga ang dobleng ingat lalo na kung hindi mahigpit ang guwardya ng tinitirhang subdivision.

Speaking of nakawan, may male personality noon na nakulong dahil ninakaw raw ang relo ng dyowa niya.

Maghihiwalay na raw kasi sila at may ibang girlfriend na ang male personality.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.