Abante Tonite Interactive

How does porn affect ED?

713

Dear Dra. Holmes:
27 yrs old na po ako at madalas akong nagjajakol; parang na addict na sa panunuod ng porn at sabay jakol hanggang ngayon ndi q mapigilan magjakol… anu po ba problema sa akin bakit po ganon? tapos kung magjajakol po ako eh ndi na xa tumitigas..tumatayo sya kaso malambot…di kagaya dati na ang tigas pag nagjajakol ako.
Santi

Dear Santi:
Maraming Salamat sa sulat mo na una na­ting pinublish noong nakaraang Linggo, Setyembre 14. Doon sinabi ko na sa aking opinyon, ang pagmamasturbate ng madalas ay HINDI sapat na dahilan para hindi ka na tigasan. KUNG ang paghahawak (halimbawa, masyadong malakas ang hawak ng kamay mo sa ari mo na hindi kayang gawin ng ari ng babae) o nanonood ka ng porn, doon ka magkakaproblema.

Paano nakakaapekto ang porn? Dahil ang porn ay nagbibigay sa atin ng bago ng madalas, at isang kagustuhan ng tao ay ang tinatawag ng “need for novelty.” Para sa karamihan sa atin ang mga bago ay nakaka-akit. Kasama rito sa mata bagong “nakakaakit” ay ang atin asawa, partner, kasintahan.

Related Posts

Pero… sasabihin mo sa akin: Mayroon na­mang lalaking hindi nangangaliwa.

KOREK! Pero ang dahilan na hindi sila nangangaliwa ay HINDi dahil hindi sila naaakit sa babaeng kakilala lang nila, pero dahil sa ibang ma bagay.
Ang dahilan na hindi sila nanga­ngaliwa ay maaaring dahil natatakot sila na baka sila magka-STD, o mabuking sa opisina nila, o dahil masyadong mahal ngayon manligaw sa babaeng hindi mo asawa/partner. Mayroon pang isang dahilan na, sa aking opinyon, ang pinakamagandang dahilan hindi nangangaliwa ang lalaki: At ‘yan ay dahil mahal na mahal niya ang misis/kasintahan niya at alam niyang masasaktan siya kung mangaliwa ito. Ano ang koneksyon nito sa porn? Final ins­tallment next week.

***
Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa sa TONITE tuwing Sabado at Linggo at Abante tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes.