Abante Tonite Interactive

Howard pasiklab pagbalik sa Lakers

0 405

Isang tsansa ang hinihingi ni Dwight Howard sa Los Angeles Lakers fans at retired Lakers superstars para ipakitang karapat-dapat din siyang magsuot ng purple at gold.

Babalik ng LA ang veteran center na iba na ang pananaw sa basketball.
Sa nakalipas na anim na taon, kontrabida ang tingin ng Lakers fans kay Howard.

Blessing daw sa 33-anyos na si Howard na muling papirmahin ng Lakers, pinili siyang humalili kay injured center DeMarcus Cousins.

Nganga ang 2012-13 season ni Howard sa Lakers, biglaan ay lumayas sa free agency.

Ngayon ay ganado siyang maging teammate nina LeBron James at Anthony Davis.
Mula nang layasan ang LA, tuwing tatapak sa Staples Center ay binu-boo si Howard ng Lakers fans, pati mga supporter ng Clippers.

Wala raw siyang hinanakit sa fans.

Ang gusto lang daw niya ngayon ay makatulong para madagdagan ang banner ng Lakers.

Nagpatalon-talon si Howard mula nang umalis sa Lakers, huling naglaro sa Washington pero November pa ang huling salang niya sa Wizards nang magka-injury sa kaagahan ng season.

May personal na problema rin siyang hinarap, pero mukhang nakabawi na.
Noong isang linggo, binaterya siya sa social media nina Kobe Bryant at Shaquille O’Neal, dalawang dating Lakers superstars na bumandera sa three-peat ng team noong 2000-02.

Nag-abot pa sina Howard at Bryant sa Lakers pero hindi naging maayos ang pagsasama. (VE)