Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Howard sasama sa Lakers

0 357

Sasamahan ni Los Angeles Lakers center Dwight Howard ang teammates sa Orlando para maglaro sa NBA restart.

Ayon kay Shams Charania ng The Athletic at Stadium, ido-donate din ni Howard ang kukubrahin niya pang tseke sa kabuuan ng season para sa kanyang sariling Breathe Again campaign na sinimulan niya noong 2015.

Sinabi noong Lunes ni Lakers coach Frank Vogel noong isang linggo na hindi pa sila sigurado sa availability ni Howard kapag itinuloy ang season.

“We don’t know what the level of participation is going to be yet,” ani Vogel via Dave McMenamin ng ESPN. “He wants to play. We’re hopeful that he’s able to join us.”

Si Howard ang nag-aalaga sa kanyang anim na taong gulang na anak na lalaki sapul nang mamatay ang ina ng bata noong March.

Pinapirma ng Lakers si JR Smith para punan ang binakanteng puwesto sa roster ni Avery Bradley.

Limitado sa loob ni Howard pero sinusulit niya ang 19.2 mnutes per game. Bago sinuspinde ang NBA, naga-average ang 34-year-old ng 7.5 points, 7.4 rebounds at 1.2 blocks kaya malaking bagay pa rin siya sa paint. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.