Abante Tonite Interactive

Howell sasaklay sa pilay na Phoenix vs Meralco

313

walang alas, abueva

Mga laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)
4:30 pm – Meralco vs. Phoenix
7 pm – Rain or Shine vs. Ginebra

Walang Calvin A­bueva, bago ang import, wala rin si coach Louie Alas.

Malaking hamon ang haharapin ng Phoenix sa pakikipagtipan sa Meralco sa first game mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Si Richard Howell na ang ipaparada ng Fuel Masters kapalit ng injured na si Rob Dozier na 1-1 sa dalawang laro sa PBA Commissioner’s Cup elims.
Suspendido ng dalawang laro si Alas (flag-rant misconduct, at statements detrimental to the league) na pinagmulta pa ng P40,000.

Si Abueva, binigyan ng indefinite suspension maliban sa P70,000 fine (verbal altercation with a female fan, flagrant foul 2).

Galing pa sa nakakadismayang 114-88 loss sa TNT ang Phoenix.

“It will be a huge challenge for us, especially for me as captain of the ship,” bulalas ni Alas, wala rin sa susunod na laro kontra Rain or Shine.

“Wala kaming topic kundi move forward and bounce back. Preparation is good, pero wala pa import. Mamaya pa (Huwebes nang hapon) dating. As much as possible, ang schemes namin is very simple – no complications para mada-ling ma-digest ni Rich Howell.”

Bago sa paningin ni Howell ang teammates at sistema ng Phoenix, pero ‘di na ang larong PBA. Naglaro na siya sa TNT sa 2014 at 2015 editions ng parehong import-laden tournament at nag-average ng 20.1 points, 18.0 rebounds, 2.1 assists at 1.5 steals sa 13 laro.

Best Import pa ang produkto ng North Carolina State Wolfpacks noong 2014 nang ihatid hanggang finals ang KaTropa bago yumuko sa San Mig Coffee.

Sa kabilang banda, habol ng 2-2 Bolts ang back-to-back wins kasunod ng 91-84 triumph sa Elasto Painters noong Biyernes. (Vladi E­duarte)