Abante Tonite Interactive

Howell wapakels sa bugbog niyang tuhod

0 251

Siniguro ni Phoenix Pulse coach Louie Alas na makakalaro ngayon si Richard Howell, pero tiyak na apektado ang import sa nabugbog na tuhod nitong Miyerkoles.

Sa third quarter ng laro kontra San Miguel Beer, tinamaan ang kanang tuhod ni Ho-well at inilabas 3:46 pa sa period at naghahabol ang Phoenix 83-62.
‘Di na siya nakabalik sa laro, sumadsad ang Fuel Masters 128-108. Team-high pa rin ang 15 points ni Howell na sinahugan ng 4 assists, 2 blocks at 1 steal sa loob ng 28:24.

Wala namang nakitang major injuries ang physical therapist sa tuhod ni Howell, pero para makasiguro ay pinaeksamin pa rin Huwebes.

“He’ll play,” ani Alas. “May bone spurs sa knee pero playable.”
Sadsad sa 4-6 ang Fuel Masters, kumakapit sa eighth spot kabuhol ang Alaska.

Kailangan ng Fuel Masters si Howell sa laro kontra NLEX mamaya sa Cuneta Astrodome. Must-win ang Phoenix para humirit ng kahit playoff para sa last slot sa quarterfinals.

Ipantatapat si Ho-well kay Ola Ashaolu na nag-average ng 28.5 points, 14 rebounds at 4.5 assists sa dalawang laro. (Vladi Eduarte)