Abante Tonite
Mabilis sa Balita

HRM, tourism, 3 pang kurso aprub sa balik-eskuwela

0 71

Pinayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang face-to-face classes para sa mga kursong kailangan ng `hands-on experience’ sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).

Sa isang memorandum na may petsang Setyembre 21, 2021, sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na pinayagan na ang in-person classes sa mga sumusunod na kurso: Engineering and Technology programs; Hospitality/Hotel and Restaurant Management; Tourism/Travel Management; Marine Engineering at Marine Transportation.

Nilinaw ni Medialdea na ang limited face-to-face classes para sa HRM ay dapat na gawin lamang sa mga Department of Tourism (DOT) accredited hotel at iba pang establisimiyento na nag-ooperate bilang regular hotel. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.