Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hubad na bangkay ng babae bumulaga

0 134

Isang hubad na bangkay ng babae ang natagpuan sa gitna ng bukid sa Burdeos, Quezon noong Sabado ng hapon.

Kinilala ng Burdeos police ang biktima na si Josielyn Reason, 57, residente ng Barangay Calutcot.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa Burdeos police, may mga pasa ito sa mukha at walang anumang saplot nang matagpuan ng kanyang asawa at anak sa gitna ng kanilang sakahan alas-2:00 ng hapon.

Ayon sa asawa, nagpaalam ang biktima ika-10:00 ng umaga para magtungo sa kanilang bukid subalit hindi na ito umuwi.

Sinusuri pa ng mga tauhan ng SOCO ang labi ng biktima at inaalam kung ginahasa ba ito bago pinatay. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.