Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hubad na bebot tinapon sa damuhan

0 121

Hinihinalang ginahasa saka pinatay ang 29-anyos na dalaga na natagpuang walang saplot pang-ibaba sa isang madamong lugar sa Cavite City.

Kaugnay nito, hawak ng pulisya sina Bernardino Suazo, 24, pedicab driver at Loreto Quillo Jr., 23, barker, na pinanghihinalaang sangkot sa pagkamatay ng biktima na tinago sa pangalang ‘Gina’ ng Brgy. San Antonio.

Sa ulat ng pulisya, alas-6:30 kamakalawa ng umaga nang natagpuan ang bangkay ng biktima ng isang mangingisada sa madamong lugar sa Brgy. 57 San Roque, habang naglalakad ito dahilan upang ipagbigay alam sa pulisya. Huling nakitang buhay ang biktima na kausap ang isa sa suspek na tila nagtatalo dahil pinagbintangan umano siyang kumuha ng nawawalang P250 na nakalagay sa kanyang pedicab nang sumakay ito.

Muli nitong isinakay ang biktima at kasama na ang isa pang suspek at dinala sa madamong lugar saka isinagawa ng krimen. Napag-alaman na dati nang nakulong ang dalawa sa alarm and scandal at pagnanakaw. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.