Abante Tonite Interactive

Hubad na larawan ng GF ikinalat para ‘di hiwalayan

By
2,745

Para ‘di hiwalayan, nagbanta ang isang lalaki na ipo-post sa FB ang hubad na larawan ng nobya kung saan ilan sa nude photos nito ay ikinalat na sa ilang kaanak ng babae.

“Nude photos ko ilabas daw sa FB kapag hindi nakipagbalikan sa kanya,” ito ang inirereklamo ng isang babae matapos siyang takutin ng live-in partner.

Matapos magreklamo, agad namang inaresto sa kanyang tirahan ng San Juan City Police ang suspek na si Aaron Louise Arana, 24, taga-37 Valenzuela St., Barangay Batis, San Juan City.

Sa report kay Eastern Police District (EPD) Director, Chief Supt. Bernabe Balba ni San Juan Police Chief, PSSupt. Dindo Reyes, nahuli si Arana sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Mandaluyong City Regional Trial Court (RTC) Branch 5-FC Judge Joanne Hernandez-Lazo para sa pag­labag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Wo­men and their Children Act under Criminal Case No. R-MND-18-02197.

Naganap ang pangyayari noong Oktubre 1 nang magsampa ng kasong pang-aabuso o emotional and verbal abuse ang biktimang si Rosa, 22. Dahil ayaw namang hiwalayan ni Arana ang biktima ay bina-blackmail umano nito ang huli na ilalabas ang mga hubad niyang larawan.

Bagama’t nakulong ay muling nakalaya ang suspek matapos magpiyansa ng P72,000.